^

Pang Movies

Jolo very Bong Go!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Now going back to Vice Jolo, kailan kaya siya mabibigyan ng pagkakataong magpakitang-gilas bilang aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Ang dating kasi sa manonood, si Vice Jolo ay gumaganap bilang si Bong Go, special assistant to President Duterte in real life.

Sa Ang Probinsiyano nga naman kasi, laging nakikita si Jolo na nakatayo lamang sa tabi ni Rowell Santiago na gumaganap naman bilang President. Tulad ni Sir Bong Go, Vice Jolo hardly talks. Yes, walang dialogue.

If this is not a waste of talent, sabi nga ng isang frequent viewer ng series, tulad namin, I don’t know what is daw.

Neither do I?

Paki-explain, Salve A. Jodi personal choice si Rhian para kay Jolo

Excited si former Senator Bong Revilla for his three sons na sina Bryan, Luigi at Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na pare-parehong mapapanood sa trilogy movie na Tres.

“Action ito,” said Sen. Bong. “At may kanya-kanya silang kuwento. Which, of course, everyone knows is the genre my Dad (former Senator Ramon Revilla, Sr.) excel in bilang artista.”

Dalawang top directors ang namamahala ng Tres. Si direk Dondon Santos ang nag-direk ng mga pelikula nina Bryan at Luigi. Si Richard Somes naman ang tinokang magdirek ng kay Vice Jolo.

Producer, of course, is Imus Production, which the Revilla family owned.

Samantala, did we hear it right na si Jodi Sta. Maria, real life girlfriend ni Vice Jolo…, ang siyang nag-suggest na kunin si Rhian Ramos bilang kanyang leading leady sa Tres?

It’s not known if Jodi and Rhian are close to each other. Ganun pa man, impressed daw si Vice Jolo kay Rhian, dahil magaling daw itong artista.

Sina Carla Humphries at Assunta de Rossi naman ang mga leading ladies nina Bryan at Luigi, respectively.

Tambalang Grae at Kira, pakakawalan 

May bagong love team ang Kapamilya na tiyak naming “kakagatin” ng mga millennials na kaedad nila. Ang tinutukoy namin ay sina Grae Fernandez at Kira Balinger, na mapapanood na ngayon sa Funny Ka, Pare Ko, topbilled by Karla Estrada and Bayani Agbayani.

Ang Funny Ka… ay nagsimulang umere noong 2016 sa all-day movie channel na CineMo. May malaki na itong following dahil inspiring ang tema ng series na tungkol sa mag-asawang gumawa ng paraan para umasenso sila sa buhay.

No need to tell you who Grae, in particular is. Siya ay anak ni Mark Anthony Fernandez, na successful ang pagbabalik sa showbiz via FPJ’s Ang Probinsyano, na tinatampukan naman ni Coco Martin.

Samantala, British naman ang tatay ni Kira at Filipino ang kanyang ina. Nauna siyang napansin nang gumanap siya bilang kapatid ni Kim Chiu sa seryeng The Story of Us.

Huling napanood si Kira kasama si Yves Flores sa drama anthology na Maalala Mo Kaya (MMK), which Charo Santos-Cancio hosts.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with