^

Pang Movies

Aktor kinatatakutang matulad sa inang palabuy-laboy dahil sa bisyo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May reason naman pala para mag-alala ang mga kamag-anak ng aktor sa mga kaibigan na pinipili nito dahil may malungkot na karanasan ang pamilya nila.

Ano ang sad experience ng pamilya ng aktor? Nalulong sa masamang bisyo ang nanay niya kaya nasira ang pamilya nila.

Masakit para sa pamilya ng aktor na makita na pala­buy-laboy sa kalye ang kanyang ina na naapektuhan ng masamang bisyo ang pag-iisip.

Ang traumatic experience ng pamilya ang dahilan kaya overprotective sila sa aktor na minana sa kanyang ina ang kahinaan ng loob.

Tutok na tutok sa aktor ang pamilya niya dahil may posibilidad na mangyari sa kanya ang nangyari sa nanay niya.

Jinggoy binabaliktad ng mga nambu-bully

Ibang klase rin ang tao na inirereklamo ng cyber bullying si former Senator Jinggoy Estrada.

Siya na nga ang nang-iinsulto kay Jinggoy sa sariling Facebook account nito pero siya pa ang may gana na magreklamo ng cyberbullying.

Hindi ko na babanggitin ang name ng bully ni Jinggoy dahil baka sumikat pa siya at halata na nag-e-enjoy siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga defender ng dating senador.

Hindi natin masisisi si Jinggoy kung mapikon ito dahil OA na ang mga sinasabi ng detractor niya na kulang sa pansin.

Kahit hindi na sagutin ni Jinggoy ang KSP na detractor, ipinagtatanggol naman siya ng mga supporter niya na matindi ang mga banat sa tao na umaaway sa kanya.

Sa true lang, gamit na gamit si Jinggoy ng KSP na ngayon lang yata nakaranas na mapag-usapan kaya enjoy na enjoy, kahit naglalabasan na rin ang mga kasiraan niya.

Kylie malaki na ang ipinayat, pinanindigan na walang yaya sa anak

Pumayat na si Kylie Padilla matapos magsilang sa panganay nila ni Aljur Abrenica kaya pumayag na siya na umapir sa Lip Sync Battle Philippines.

Matagal din na nagpahinga si Kylie dahil bukod sa pagpapapayat, hands on siya sa pag-aalaga kay Baby Alas.

Walang kasambahay o yaya sina Kylie at Aljur kaya palitan sila sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Nakakabilib si Kylie dahil kahit hindi planado ang kanyang pagbubuntis, mabilis niyang natutunan ang mga responsibilidad ng isang ina at asawa.

Pareho sila ng kanyang stepmother na si Mariel Rodriguez na tinalikuran muna ang showbiz para mag-focus sa mga obligasyon nila bilang nanay at may-bahay.

Contract star pa rin si Kylie ng GMA 7 dahil hindi pa tapos ang kontrata niya nang mabuntis siya ni Aljur.

Manoy Pito hinihintay pa ang mga kapatid galing europe

Inilipat sa mas malaking chapel ng Arlington Memorial Chapels ang lamay para kay Pepito Vera-Perez, ang ama ni Lander Perez.

Sa June 2 pa ang cremation sa labi ni Manoy Pito kaya puwede pang makiramay ang mga kaibigan at mga kakilala niya.

Hinihintay pa ang pagdating sa June 1 ng mga kapatid ni Manoy Pito, sina Manay Gina de Venecia at Chona Ampil na manggagaling sa Europe, bago i-cremate ang bangkay niya.

Si Manoy Pito ang pangalawa sa pitong anak nina Dr. Jose Perez at Azucena Vera-Perez, ang mga producer ng Sampaguita Pictures.

Lumabas noon si Manoy Pito sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures at nagsulat din siya ng mga kuwento para sa mga movie project nila.

 

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with