^

Pang Movies

Mga ex na sina Sunshine at Teresa dinadawit sa ‘kaso’ ni Cesar!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga ex na sina Sunshine at Teresa dinadawit sa �kaso� ni Cesar!
Sunshine

Hindi namin masisisi si Sunshine Cruz kung nagalit siya sa isang basher na kung anu-ano ang sinasabi laban sa kanyang mga anak. Ang masakit pa, may nagsabing “dugong magnanakaw din mayroon iyan”, at alam naman natin kung bakit nila sinasabi ang ganoon.

“Alam mo naman Tito, ako ang naghahanapbuhay para sa mga anak ko simula nung magkahiwalay kami. At nun naman magkahiwalay kami, wala pa naman siya sa gobyerno. Walang makapagsasabi na kung ano man ang nangyari ay nakinabang ang mga anak ko. Wala naman silang nakukuha doon, maski na nga iyong tuition fee nila sa iskuwelahan na iniutos ng korte na ibigay sa kanila, hindi naman nila natatanggap. Ako mag-isa ang naghahanap buhay. Salamat na nga lang sa Diyos at hindi ako nawawalan ng trabaho. Tapos ganyan ang maririnig ko?

“Kung ano man mayroon ang mga anak ko ngayon, galing iyan sa pawis at pagpupuyat ko. Maski iyong sasakyan na ginagamit nila ngayon pagpasok sa school, ako ang bumili noon. May mga papeles na makapagpapatunay noon. Hindi iyon ibinigay sa amin. Makikita naman na ako ang nagbabayad doon sa sasakyan monthly.

“Napakasakit lang na iyong mga taong hindi naman alam kung ano ang totoo, pagsasabihan nang ganoon ang mga anak ko.

“Hindi po ako papayag na ang mga anak ko ay masabing nakinabang sa ano mang bagay na hindi naman dapat sa kanila. Ayoko rin naman po nang ganun dahil katulad din ninyong lahat, nagbabayad rin po ako ng taxes,” ang halos maluha sa galit na sabi ni Sunshine.

“Ngayon ko naisip, blessing in disguise nga na nag-desisyon akong ako na lang ang bibili ng sasakyan para sa mga anak ko, nang ayaw nang tumakbo ang lumang van na kanilang ginagamit. Kung naghintay pa akong mabigyan sila ng sasakyan, baka mas malalang usapan pa ang nangyari ngayon.

“Kawawa iyong mga bata. Nagreklamo nga ako maski sa school eh. Maski sa school tinatanong sila tungkol sa mga ganoong bagay. Ano ang nalalaman ng mga anak ko roon? Masakit iyon para sa isang magulang na kagaya ko na naghahanapbuhay nang marangal para sa mga anak ko,” pagpapatuloy na sabi ni Sunshine.

“Lalo naman ako. You know my story. Alam ninyo kung ano ang nangyari sa akin at kay Diego. We left and lived in Australia. I worked hard para mapalaki ko nang maayos ang anak ko. He grew up to be a fine man. Noong gusto na niyang umuwi rito, I decided na umuwi na rin ng Pilipinas dahil wala namang mag-aasikaso sa kanya rito, and since then kung ano man ang kailangan ng anak ko, I provide.

“Hindi ba naging issue pa nga iyon, he cannot provide for Diego.

“Pero ok lang sa akin lahat iyon. Siguro nga I just have to take the blame for that, pero iyong masabihan din ang anak ko nang wala sa ayos dahil sa kasalanan ng iba, ibang usapan na iyan. At ako ipagtatanggol ko ang anak ko no matter what. Hindi siya dapat isama sa mga ganyang usapan,” sabi ng isa pang nanay, si Teresa Loyzaga.

Magulo talaga ang kinahinatnan ng mga kuwento tungkol sa mga bagay na iyan. Matindi kasi ang naging reaksiyon ng publiko sa naging takbo ng mga pangyayari at sa nagaganap na imbestigasyon.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with