^

Pang Movies

Dingdong lilipat ng Kapamilya?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dingdong lilipat ng Kapamilya?
Dingdong Dantes

Dingdong Dantes Kapamilya na?

Yup, mapapanood siya sa ilang shows ng ABS-CBN. Pero para lang daw sa promo ng pelikula nila ni Anne Curtis na Sid & Aya. Mapapanood ang aktor sa Magandang Buhay kasama si Anne at ilang programa pa raw ng ABS-CBN. Next week na ang showing ng kanilang pelikula.

Aga/Bea movie simula na

Tuloy na ang movie nina Aga Muhlach and Bea Alonzo.

Sa uploaded photo ng actor, pinakita niya ang  script nila. Co-prod ng Viva Films and Star Cinema ang nasabing pelikula na sa Vancouver ang shooting.

First time nina Aga at Bea na magtambal sa pelikula kaya kapwa sila excited.

Julie Anne ayaw pabayaan ng GMA

Buwan ni Julie Anne San Jose ang magtatapos na May.

Siya ang napiling last print cover ng Cosmopolitan magazine na magiging digital na. This month din nagsimula ang airing ng kanyang daytime drama program na My Guitar Princess at nag-celebrate siya ng birthday last May 17. At siyempre in love siya. Common know­ledge na more than a year na sila ni Benjamin Alves.

Meron din silang concert nina Regine Velasquez and Christian Bautista sa Dubai next month at thankful pa siya sa overwhelming reception sa kanyang latest single na Nothing Left.

Kaya naman naka-schedule siyang mag-release ng panibagong single next month, ang Tayong Dalawa, ang kanyang third single sa kanyang album sa Universal Records.

Pinu-push ng GMA 7 ang career ni Julie Anne. Binibigay lahat ng kailangan para mas sumikat pa siya.

College degree na si Julie Anne, nakatapos siya ng Communication Arts sa Angelicum College.

“It feels really great kasi importante talaga sa ‘kin ‘yung education at saka gusto ko talagang mag-give back sa parents ko, isa po ‘yon sa pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa magulang ‘yong maka-graduate ka, ‘yong diploma mo,” sabi niya sa ginanap na presscon kahapon.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with