^

Pang Movies

Joel Cruz natangayan ng P40 milyon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Joel Cruz natangayan ng P40 milyon!
Joel Cruz l

Worh P40 million ang  kaso na isinampa kahapon ng Lord of Scent na si Joel Cruz laban sa businesswoman na niloko siya at tumangay sa milyun-milyon na salapi niya.

Hindi ko na babanggitin ang name ng businesswoman dahil baka mag-enjoy pa siya bilang mukhang mahilig siya sa mga free publicity.

Hindi naman uubra ang pag-iingay ng businesswoman kay Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni Papa Joel.

Ewan ko lang kung kaya ng powers ng businesswoman ang husay ni Atty. Topacio na walang inuurungan na kalaban.

Wondering lang talaga ako dahil nakuha na nga ng businesswoman ang tiwala ni Papa Joel, nagawa pa niya na lokohin ang King of Scent.

Sa totoo lang, lapitin ako ng mga mayayaman kaya nagiging friends ko sila pero never ako nilapitan ng businesswoman na idinemanda ni Papa Joel dahil na-feel niya siguro na malakas ang pakiramdam ko as in alam ko ang difference ng mga tunay na rich at ng mga nagpapanggap na mayaman.

Tinawagan ako ni Papa Joel para saksihan ang pagsasampa niya ng demanda pero nag-beg off ako dahil fully booked ang schedule ko kahapon.

Kahit hindi naman ako sumipot sa filing ng kaso, suportado ko si Papa Joel dahil hindi naman ito magsasampa ng kaso kung alam niya na matino at mapagkakatiwalaan ang kanyang mga ka-deal sa negosyo.

Pero kapag na-feel ni Papa Joel na niloloko mo siya, tiyak na may gagawin na aksyon ang Lord of Scent pero sa pamamagitan ng wastong proseso tulad ng pagsasampa ng reklamo sa korte.

The Eddys 2 mas pinabongga ngayong taon

Sosyal ang 2nd The Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors dahil may nominees night sila at mangyayari ito sa first week ng June sa Valencia Events Place.

Invited ako ng SPEEd sa nominee’s night pero hindi ako makakadalo dahil gabi ang event nila. Ibinilin ko na lang na bigyan nila ako ng kanilang mga sosyal na lootbag.

Tatanggap ng plaque of recognition sa nominee’s night ng The Eddys ang lahat ng mga nominado sa second year ng award-giving body ng SPEEd.

Sa July 9 ang awards night ng The Eddys sa Solaire Resort & Casino at nalaman ko ang impormasyon nang dumalo ako kahapon sa birthday presscon ng GMA 7 para kay Julie Anne San Jose.

Ipinangako ng mga member ng SPEEd na mas bongga ang second year ng The Eddys dahil pinaghahandaan nang todo ang awards night na sisiguraduhin nila na star-studded.

Controversial personality ipinaubaya na ang asawa kay popular personality

May event ako na pupuntahan sa susunod na linggo at hoping ako na dadalo rin ang isang controversial personality na nawalan ng lovelife dahil inagaw ng isang sikat na personalidad.

Sana nga, umapir sa event ang controversial personality para matanong ko siya tungkol sa latest update sa kontrobersya na sumira sa relasyon nila ng asawa niya.

Gusto ko kasing malaman kung nagtagumpay ang sikat na personalidad na agawin ang dyowa ng controversial personality na di­sente at very educated ang image.

Type ko rin malaman kung naaprubahan ang annulment na isinampa sa korte ng controversial personality na sobrang martir dahil siya pa ang nagpaubaya sa popular personality.

vuukle comment

JOEL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with