^

Pang Movies

Isabel ini-enjoy ang pag-aalaga ng anak!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Isabel ini-enjoy ang pag-aalaga ng anak!
Isabelle Daza

Namamayagpag ngayon ang showbiz career ng ating first Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz dahil bukod sa mga project na kaliwa’t kanan, nominated din siya bilang best actress sa FAMAS at URIAN para sa pelikulang Si Apple at Si Chedeng.

Ang bongga pa rin talaga ni Gloria.

Habang ang anak niyang si Isabelle Daza, mukhang ine-enjoy na muna ang pagiging misis at nanay dahil wala akong nababalitaan na comeback project niya pagkatapos manganak, huh!

Actually, sa mga beauty queen naman na nag-artista, parang si Gloria talaga ang nagkaroon ng pinakamagandang showbiz career, huh!

Si Pia Wurtzbach naman na Miss Universe 2015 ay naunang nag-artista (hindi lang lang sumikat noon) bago pinasok ang mundo ng beauty pa­geant at nang magkaroon nga ng beauty title ay saka namayagpag ang showbiz career.

More than 40 years na si Gloria sa showbiz world, pero talaga namang hindi siya nababakante!

Cristine takot suportahan ang project ni Ara

Parami nang parami ang mga celebrity na magdyo-join sa Tara Na Sa Arena Fun Run ni Ara Mina na para sa benefit ng Down Syndrome Association of the Philippines, Inc., pero hindi ko nababasa ang pangalan doon ng kapatid niyang si Cristine Reyes, huh!

Kahit nga sina Martin Nievera at Ogie Alcasid, magpe-perform sa Philippine Arena on Sunday para sa charity fun run ni Ara.

Wala nga kaya talaga roon si Cristine o baka naman biglang mag-a-appear doon ang dating sexy actress na napapabalitang problematic sa kanyang married life at may tsika pa ngang hiwalay na raw sa mister na si Ali Khatibi.

Naku, for sure, mara­ming mag-aabang doon kay Cristine, kaya sana naman ay um-appear siya roon!

Raymond mas madisiplina kesa kay Ruffa

Kung ang ate niyang si Ruffa Gutierrez ay may cheat days sa pagda-diet at pag-e-exercise, bilib naman ako kay Raymond Gutierrez dahil talagang pili pa rin ang mga kinakain niya.

Minsan naman ay naggi-give-in din siya sa ibang food na bawal sa kanya, pero pagdating sa exercise, araw-araw pa rin siyang nagte-training, huh!

Saka kapag kumakain nga siya ng bawal, nakikita ko pa siya na twice mag-workout in a day.

Siyempre, sinisigurado lang ni Raymond na hindi na siya tataba uli.

Eh, mahilig pa naman siya sa latest fashion pagdating sa mga damit, kaya para magkasya siya sa mga bagong damit na naglalabasan, dapat lang talaga na mapaniwala niya ang pagiging fit and fabulous niya.

Sabi ni Raymond, nasa lifestyle lang naman daw talaga ‘yan.

Kapag hindi rin kasi importante na lumabas siya sa gabi, maaga na siyang natutulog para maaga rin siyang makapag-workout.

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with