^

Pang Movies

Goma hindi pa rin maisingit ang showbiz!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma hindi pa rin maisingit ang showbiz!
Richard Gomez

Napapangiti na lamang si Mayor Richard Gomez basta sinasabi sa kanyang napabayaan na niya ang kanyang acting career kung saan siya kumikita na siya nang mas malaki. Hindi na rin niya maasikaso ang maraming offers para sa mga commercial endorsements na kung gagawin lang niyang lahat, baka ang isa lang talo pa ang ilang buwang suweldo niya bilang mayor.

Aminado rin naman si Goma na noong una, ang akala niya ay maisisingit pa rin naman niya ang kanyang acting career kahit na mayor siya, pero nabigla raw siya sa rami ng trabaho na kailangan niyang harapin pagdating niya sa kanyang office. Marami siyang nakitang mga bagay na dapat noon pa nagawa pero inabot niyang hindi pa tapos. Marami pa siyang nakitang pangangailangan sa kanilang lungsod na dapat aksiyunan agad.

“Alam naman ninyo, lumindol dito sa amin, Nagkasunud-sunod din ang bagyo, kaya hindi ko maiwan. Maraming offers na dumarating, marami ring old commitments pero wala akong magawa dahil mara­ming trabaho talaga. Hindi sa tinatalikuran ko na ang trabaho ko bilang artista, pero ito kasi sinumpaan mong gagawin eh, kaya kailangang gawin mo,” sabi ni Goma.

Ipinagmamalaki rin naman ni Goma na malinis ang record ng kanyang serbisyo bilang government official.

“Nakakalungkot iyong mga balita, kasi may mga nasasangkot ngang mga kasama natin sa industriya, pero sana maintindihan ng mga tao na hindi naman lahat ng artistang nasa government service ay may masamang record. Doon nga lang sa house basta nadadalaw ako sa office ni Lucy (Torres-Gomez), marami akong nakikitang artista. Naroroon sina Ate Vi (Vilma Santos), si Yul (Servo), si Monsour (del Rosario), si Alfred (Vargas), at iba pa na nasa government service pero napananatiling malinis ang record. Sana huwag namang gawin issue iyan sa mga artista,” nasabi na lang ni Mayor Goma.

Pokwang malalakas ang mga kalaban

Sino naman ang sinasabi ni Pokwang na humaharang daw sa kanyang pagbabalik showbiz? Ano naman ang motibo sa panghaharang kay Pokwang? If ever, ganoon ba kalakas ang kanyang kalaban sa mga tao sa industriya para mapigil ang career niya ganoong kinikilala rin naman siyang isang box office star?

Baka naman nagkakaroon lang ng delay ang mga project. Alam naman ninyo ngayon, ang ginagawang mga pelikula, karamihan ay low budget lang. Kaya natural ang may assignments na madalas ay mga artistang mababa lamang ang talent fee. Eh iyang si Pokwang, may rate na rin naman ang talent fee niya bilang isang artista.

Aktor poging-pogi ang pakiramdam

Bulung-bulungan ang sinasabi ng isang young actress tungkol sa dati niyang ka-love team, na ayaw naman daw talaga niya roon dahil masyadong assuming.

“Ang tingin niya sa sarili niya napaka-guwapo niya na akala yata talagang may gusto ako sa kanya. Mukhang wala yatang salamin sa bahay nila para sana nakikita niya kung ano talagang hitsura niya,” sabi pa ng female star.

Parang gusto naming maniwala na ang male star na iyon, mahilig mag-pogi-pogian.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with