^

Pang Movies

Jake nag-feeling complete nang ipakita ang boobs!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jake nag-feeling complete nang ipakita ang boobs!
Jake Zyrus

Feeling complete pala si Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) nang maghubad siya ng sando ng minsang mag-beach sila.

Sa interview ni Tito Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda the other night, naungkat ang kanyang pagta-topless na tipong isang lalaki na talaga. “The moment I took it off, ‘yung moment na ‘yun, parang doon lang talaga ‘yung sobrang legit na naramdaman ko na ito na talaga ‘yon, ‘yung feeling talaga na wow, kumpleto na ako,” sabi ng singer na nagpatanggal ng boobs noong 2017.

Inamin din ni Jake sa nasabing interview na ok sila ng girlfriend niya hanggang ngayon.

Hindi naman napag-usapan sa tsikahan nila ni tito Boy ang isyung diumano’y nauubos na ang mga ipon ng singer nung kainitan ng career niya.

May maintenance na, Kris pumatol sa patutsadang lampa na nga, sakitin pa

May maintenance na pala si Kris Aquino.

Wala siyang binanggit kung maintenance medicine sa puso pero takot siyang basta-basta uminom ng ibang gamot  o herbs dahil baka nga raw makaapekto sa kanyang maintenance. Aminado na noon si Kris na tumataas ang blood pressure niya sa tuwing magkakaroon siya ng allergy.

Madalas atakihin ng allergy si Kris lately. Nung minsan ay nadale na naman siya ng allergy na ang duda niya ay nakuha niya sa kinain niyang seafood.

Pero kahit may allergy, pumapatol si Kris sa mga pumupuna sa kanyang nagiging masakitin na siya at nadadalas ang pag-atake ng allergy. “sorry pumatol- i tried my best to get up but hilong hilo & nanghihina talaga... i have been accused of being “tactless” but diba may mali kung kabuhayan na nung tao ang tinataningan? My team knows & all my endorsements know how many times i’ve shown up for shoots regardless of how unhealthy i was & i still delivered. Napikon lang ako because the SM people were so gracious & understanding & a woman who hasn’t worked for me or w/ me was so quick to judge,” buwelta niya sa kanyang follower na nagsabing paano pa siya paniniwalang effective endorser kung lagi siyang may sakit.

Sa Japan naman naka-schedule magbakasyon sina Kris para raw sa late birthday celebration ni Josh.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with