^

Pang Movies

Angelica type dyowain si Sam!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angelica type dyowain si Sam!
Angelica Panganiban at Sam Milby

Maharot ang pa-birthday

Hinarut-harot ni Angelica Panganiban si Sam Milby habang binabati niya ang aktor sa kaarawan niya sa inilabas niyang video sa Instagram na ang location ay sa Stockholm, Sweden.

Tawang-tawa lang si Sam sa paghaharot sa kanya ni Angelica lalo na’t tinatawag siyang baby at sila raw ang magdyowa, huh! Feel na feel naman ng aktres ang mensahe sa kanyang ‘dyowa.’

“Happy birthday baby!!! I wish you all the happiness and peace and love that you super deserve. Kung hindi sakin galing yung happiness, peace and love, tanggap ko basta happy ka baby.

“Lagi lang akong nandito. Aawayin ko lahat ng magpapaiyak sayo. At palagi kita hug and kiss and smell sa (emoji) na masarap kapag kasama mo ko. Love you samsam” caption ni Angge.

Wish naman ng followers ng aktres, sana sila na ang totoong magdyowa ni Sam, huh!

Nanay ni Janella biglang bumait, tumutulong sa So Connected

All is well that ends well na sa mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador. Tumulong na ang ina sa paghingi ng suporta na panoorin ang So Connected movie ng anak na si Jameson Blake ang kapareha, huh!

Sa Instagram ni Jenine kahapon, inilabas niya ang poster ng pelikula na sinamahan ng caption na, “So Connected now showing starring my daughter, Janella Salvador, and Jameson Blake. Friends, kindly watch & support! Thank you!”

Hindi na lihim sa showbiz at ilang fans ni Janella na nagkaroon sila ng gap ng ina. Si Janella na ang siyang unang gumawa ng hakbang para magbigay ng peace offering sa ina.

Sa isang tugon ni Jenine sa isang netizen na nagkomento laban sa kanya, tugon niya, “Ang gusto ko lalaking matino na marunong rumespeto. Yung gagabayan ang anak ko sa tama.”

Samantala, sa premiere night ng So Connected last Tuesday sa SM Megamall, rumampa sa red carpet at tinapos ang panonood nina Maja Salvador, ang loveteams nina Inigo Pascual-Maris Racal, at McCoy de Leon at Elisse Joson, ang ilang members ng grupong Hashtag, model-actress Cora Wadell, Jaine Oneiza, Devon Seron, Your Face Sounds Familiar Kid contestants at iba pa.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with