^

Pang Movies

Elmo hinihintay kung makaka-konek din kay Jenine

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Elmo hinihintay kung makaka-konek din kay Jenine
Elmo Magalona

Ang mag-inang si Jenine Desiderio at Janella Salvador ay ‘So Connected’ na ulit.

Magandang balita ito lalo na para sa bagong movie nina Janella at Jameson, titled So Connected na dinirek ni Jason Paul Laxamana para sa Regal Entertainment na ipapalabas na sa mga sinehan nationwide.

Kailan naman kaya magiging connected si Elmo Magalona kay Jenine, napapabalitang hindi raw kasi pabor ito sa relasyon nila ni Janella.

JM puring-puri si Barbie

Tumulong si JM de Guzman sa naging desisyon ng staff ng seryeng kasalukuyan niyang ginagawa, ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na piliin si Barbie Imperial bilang kanyang leading lady.

Nakita daw kasi ni JM kay Barbie ang mga katangiang dapat taglay ng isang baguhang gustong sumikat sa larangan ng showbiz.

Natutuwa raw siya na nagagampanan ni Barbie ng maayos ang kanyang role.

“Ang galing niya,” JM says of Barbie. “Lalo’t sa mga confrontation scene namin, talagang, kumbaga, lumalabas siya.

“To think na isa siyang baguhan at 19 yeas old lang.”

Mag-20 na si Barbie sa August 1.

Tubong Bicol siya at ang kanyang pamilya na dati ay nakatira lamang sa gilid ng riles sa Daraga, Albay during her younger days.

Gina namimili na ng gagawin

Tanging si Gina Pareño na lang pala ang natitira sa lahat ng members ng Stars ’66 kung saan si late Dr. Jose Perez ang nag-organized during the prime ng dalawang film studios na kanyang pag-aari at pinangangasiwaan, ang Sampaguita Pictures and Vera-Perez Productions.

Nasa late 60’s na si Gina pero hanggang nga­yon ay aktibo pa rin ito sa pelikula, Bagama’t, namimili na rin siya ng projects na gagawin.

Tanggap niya na rin daw nga kasi, na hindi na siya pabata pa.

Pepito Vera-Perez, namayapa na!

Isa sa nakasama ni Gina and co-member din sa Stars ‘66 ay ang kamamatay lang na si Pepito Vera-Perez, anak ni Dr. Jose Perez, na na-link pa nga kay Gina noong kabataan nila.

Pepito was 73 years old. Anak ni Pepito si Lander Vera-Perez, na hanggang ngayon ay lumalabas pa rin sa TV at pelikula.

He was featured last in FPJ’s: Ang Probin­syano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Dating kasal si Lander sa hangggang ngayon ay kinikilalang Dance Diva na si Regine Tolentino, kung saan may dalawa siyang anak na babae rito.

Samantala, sina Pepito at Elvie Gonzales, former beauty queen-actress and mother ni Charlene Gonzales na misis ni Aga Muhlach, were a couple.

Of the Stars ’66, ang alam naming mabubuti ang buhay ngayon, kahit wala na sa showbiz, ay sina Blanca Gomez, Shirley Morena at Sarah Calvin.

Ang nakatatandang kapatid ni Pepito na si Ramil na member din ng Stars ’66 ay namatay noong 2004.

Ang iba namang miyembro ng Stars ’66 na kasama na ni Ramil sa langit ay sina ay sina Dindo Fernando, Ricky Belmonte, Edgar Salcedo, Bert le Roy, Jr. and Loretta Marquez.

We request for PM readers to join us in prayers for Pepito and his fellow Stars ’66, who have long left us.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with