Gerald nag-iba ang boses sa Miss Saigon
Gerald Santos
Gerald nag-iba ang boses sa Miss Saigon
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - May 24, 2018 - 12:00am

Nailabas agad ang bagong single ni Gerald Santos na may title na I’m Yours matapos pumirma ng kontrata sa Star Music.

In fairness, sa pop balladeer ay napabilib agad nito ang listeners dahil sa mahusay nitong pag-interpret sa napakaganda niyang single.

Ang laki ng improvement ni Gerald vocals wise at ang galing mag-deliver ng linya ng songs na touching, kaya marami ang nagre-request na maglabas agad ang Star Music ng lyric video ng nasabing single para makasabay sila sa kanta.

Ang laki nang nagawa kay Gerald ng Miss Saigon na gumaganap siya sa role bilang Thuy na hanggang ngayon ay kasama siya tour ng stage play  dahil nag-renew ito kontrata last March.

Level up to the max na ang performance ni Gerald ngayon na nakakaagaw talaga ng pansin ang boses. Hindi katangkaran si Gerald pero kapag nag-perform na ay nagi­ging higante sa paningin ng tao.

Samantala, nag-share ng photo si Gerald kamakailan sa kanyang Instagram na nagkita sila in Aicelle Santos sa UK kung saan magkatrabaho ang dalawa dahil gumaganap ang huli bilang bagong Ms. Gigi sa Miss Saigon. Proud din si Gerald sa napakahusay raw ng performance ni Aicelle na wini-welcome nito sa Saigon family. Matatandaan na pareho silang sumali sa Pinoy Pop Superstar Season 2 kung saan si Gerald ang tinanghal na champion samantalang 1st runner up si Aicelle at kapwa rin sila naging part ng SOP ng GMA 7.

Pero this time ay hinihiritan ng fans si Gerald na maging part ng ASAP Live ng Kapamilya Network ang Filipino proud talent bilang nasa Star Magic na siya.

GERALD SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with