^

Pang Movies

Jameson at Janella laging may kasamang ‘panti’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jameson at Janella laging may kasamang �panti�
Janella

Pagkatapos ng press screening ng So Connected na first movie together nina Janella Salvador at Jameson Blake, iisa ang comment ng entertainment press na nanood, malakas ang chemistry ng dalawa at bagay sa kanila ang role bilang sina Trisha at Karter respectively, na parehong mahilig sa social media. Tiyak na makaka-relate ang mga manonood nito lalo na ang mga tulad nilang millennials,  na mahilig sa social media.

Dumaan sa press screening sina Janella at Jameson para mag-greet at magpasalamat sa press. Ayaw nilang manood, kahit first time sana nilang mapapanood ang movie, mas gusto raw nila sa premiere night na para marinig nila ang comments ng fans at gusto rin daw nilang nerbyusin kung ano ang mapapanood nila.

Maganda rin ang ginawa ni Direk Jason Paul Laxamana na ibang lugar naman ang kanilang location, first time mapapanood ng millennials ang Corregidor sa Bataan, then sa Paete at sa Angeles in Pampanga. 

Alamin kung bakit laging present, kahit sa promo nina Janella at Jameson, ang maliit na elephant stuffed toy na si Panti-Panti.

Opening na today, May 23, ang So Connected in cinemas nationwide, rated PG ng MTRCB, kasama pa rin sina Ruby Rodriguez, Chai Fonacier, Krystal Brimmer, Charise Castro at Paulo Angeles.

Sharon nakaiwas kay Gabby

Kung walang taping si Megastar Sharon Cuneta last Sunday evening ay dadalo siya sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation, dahil recipient siya ng All Time Favorite Actress for Unexpectedly Yours. 

Maraming nanghinayang na fans nila ni Gabby Concepcion dahil kung dumating daw si Sharon, magkikita sila ni Gabby. Nanalo namang Best TV Actor of the Year si Gabby sa pagganap niya sa Ika-6 Na Utos ng GMA 7.

Ang ganda sanang tingnan kung dumating si Sharon at kasama sila ni Gabby sa mga showbiz couples sa first row ng Newport Theater sa Resorts World Manila. Si Aga Muhlach kasi ang nagsabi na walang aalis sa kanila dahil minsan lamang mangyari ang ganoon na naipon sila sa isang okasyon. Si Aga at Charlene Gonzales, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Ro­bin Padilla at Mariel Rodriguez, Alden Richards at sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Wala ngang umalis sa kanila hanggang sa matapos ang awards night at si Vice Ganda ang hu­ling tumanggap ng award, dahil hindi naman dumating sina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na kapwa niyang Phenomenal Star awardees.

Maine magpapakabuta­ngera kasama si Gloria

Masaya ang AlDub fans nang mag-#beshiealert si Rams David, manager ni Maine Mendoza last Monday morning na may taping si Maine ng Daig Kayo Ng Lola Ko hosted by Ms. Gloria Romero.

Matagal na kasing niri-request ng fans na sana ay mag-appear naman sa ibang show ng GMA si Maine. Second time nang nag-guest si Maine sa Daig... at post niya sa kanyang Instagram: “Hey Laura, hey Laura, hey Laura butangera.”

Napapanood ang Daig... every Sunday sa GMA 7 after ng 24 Oras Weekend.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with