^

Pang Movies

Sarah balik na sa pagraket!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah balik na sa pagraket!
Sarah

Sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang guest sa 60th anniversary event sa MOA Arena ng isang mall chain.

Work mode muna ang dalawa, pero from time to time ay tsine-check nila ang mga anak na sina Zion at Baby Kai.

Mukhang enjoy naman si Sarah sa balik-work niya sa event na ‘yon dahil kasama rin niya roon sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Si Richard naman, nag-enjoy sa pakikipagkuwentuhan kina Gerald Anderson at Xian Lim.

Nakasama na ni Richard noon si Xian sa isang endorsement ng accessory products ng mall chain na ‘yon at si Gerald naman ay muntik-muntikan niyang nakasama sa isang Star Cinema movie with Angelica Panganiban, pero may exclusive contract pa siya noon sa GMA Films, kaya hindi natuloy.

Kuwento ni Ruffa, habang nagho-host si Raymond at nasa backstage sila at naghihintay ng turn nila para maisalang, panay ang kuwentuhan nina Richard, Gerald at Xian. Basketball ang usapan nila.

Parehong mahihilig mag-basketball sina Richard, Gerald at Xian at may mga pagkakataon pa nga na nagtu-tune-up game sina Richard at Gerald kasama ang ilang mga kaibigan.

Sina Ruffa at Sarah naman, tungkol sa mga anak ang pinag-uusapan at nakikinig-kinig sa basketball topic nina Richard, Gerald at Xian.

Vice may pasabog na gagawin sa FAMAS?!

Bumilib kay Vice Ganda ang mga taga-Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa pagsipot niya sa 49th Box Office Entertainment Awards kahit galing pa siya ng Hong Kong. Ito nga ang tumanggap ng award nila nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach bilang Phenomenal Stars of Philippine Showbiz dahil sa pelikula nila na Gandarrapiddo! The Revenger Squad.

Importante para kay Vice ang mga karangalang iginagawad sa kanya, kaya nag-effort talaga siya na magpunta sa 49th Box Office Entertainment Awards.

So sa June 10, asahang a-attend din si Vice sa FAMAS para naman personal na i-receive ang special award niya na Dolphy Lifetime Achievement Award.

Tiyak na paghahandaan ni Vice ang pagtanggap sa award na ‘yon.

Ano kaya ang magiging acceptance speech niya.

Knowing Vice, tiyak na may pasabog siya sa gabing ‘yon, huh!                                    

Erik nagtatawag ng mga kaibigan para manood ng kanyang concert

Pinaghahandaan na ni Erik Santos ang kanyang 15th anniversary concert.

Si Erik ang main star siyempre sa concert niyang ito, pero dahil marami siyang friends in showbiz, 15 major stars/singers daw ang magge-guest dito.

Hindi pa sinasabi ang complete list ng 15 na ‘yon, pero knowing Erik, tiyak na exciting ‘yon!

Hindi rin naman nakakapag-worry na hindi magiging successful ang 15th anniversary concert ni Erik dahil kilala siya sa pagiging masipag magbenta ng tickets kapag may shows siya.

Actually, may ibang producers nga na gustung-gustong kunin si Erik dahil bukod sa masipag na siyang mag-promote ay nagtatawag din siya ng mga kaibigan na can afford para bumili ng tickets sa kanyang shows!

 

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with