^

Pang Movies

Cesar hindi pa ligtas sa kaso!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cesar hindi pa ligtas sa kaso!
Cesar

Hindi masasabing dapat lang ang kanyang ginawa. Siguro mas magandang sabihin na wala nang ibang choice talaga si Cesar Montano kung ‘di mag-resign sa Tourism Promotions Board. Hindi lang siya ang nalalagay sa alanganin, kung di pati na ang itinuturo niyang dating DOT Secretary na si Wanda Teo. Nalalagay din sa alanganin pati ang Presidente na naglagay sa kanya sa posisyon.

Habang tumatagal, dumarami ang questions sa kanyang trabaho, pati na ang sinasabing isang special assistant niya na “siyang talagang nagpapatakbo ng TPB”. Nauungkat din pati na ang naunang reklamo laban sa kanya ng mga empleyado ng bureau, tungkol sa mga tauhang inilagay niya sa kanyang opisina, kabilang na ang kanyang kapatid. Lalo lang lalaki ang problema at hindi matitigil ‘yang mga usapan kung hindi siya nag-resign.

Pero hindi porke’t nag-resign siya, ibig sabihin na ligtas na siya sa responsibilidad. Kagaya nga ng sinabi ni Secretary Berna Puyat, sa kanya ay closed case na iyon pero pina-iimbestigahan pa rin niya sa COA at sa iba pang responsableng government agencies. Ibig sabihin possible pa ring magkaroon ng kaso pagkatapos niyan.

Mali kasi lahat ang timing eh. Nahihirapan ang bayan sa pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin dahil sa bagong tax law na ipinatutupad ng gobyerno, tapos nagkasabay-sabay pa iyang mga balita ng anomalya. Kaya ano man ang sabihin mo, iba na ang takbo ng isipan ng mga tao.

Hindi na nila iisipin ang katotohanan na si Cesar ay isang artista na kumikita rin naman nang malaki. Hindi na nila maiisip na si Cesar ay may isang up scale restaurant at hindi lang isang carinderia. Totoo ang sinasabi niya na kikita rin naman siya kahit wala siya sa DOT, pero nabahiran na nga ng katiwalian ang kanyang pangalan kahit wala pa namang pormal na imbestigasyon sa ibinibintang sa kanya.

Agot dapat maghandang maungkat ang kamag-anak na jueteng king pag kumandidato

May isa pang nakakagulat na kuwento, hinihika­yat daw ni Senador Kiko Pangilinan ang dating back up singer ng kanyang asawang si Sharon Cuneta, si Agot Isidro na tumakbong senador sa susunod na eleksiyon.

Sumikat din naman bilang singer si Agot, at kilalang supporter ng Liberal Party at ng dating administrasyong Aquino. Galing din sa isang mayamang pamilya si Agot, ibig sabihin may kakayahan siyang gastusan ang kanyang kandidatura.

Si Agot ay graduate ng fashion design sa UP. Tapos nag-aral pa siya sa New York sa isang kursong may kinalaman din sa fashion. Malayo yata ang napag-aralan niya at maging ang kanyang career experience sa trabaho ay puwedeng maging senador.

Isa pa, malinis ang image ni Agot, pero alam naman ninyo ang pulitika, pati likaw ng bituka ng ninuno mo hahanapin nila iyan. Baka maungkat na si Agot ay may kaanak na jueteng king ng Marikina noong araw. Dapat isiping mabuti ni Agot kung magpapakumbinsi siya kay Senador Kiko.

Female star na wala nang pambayad sa bahay nagpapatulong sa government official

Malaki ang problema ng female star na ito. Kasi hindi na rin pala siya nakakabayad ng kanyang biniling bahay, at may warning na ang bangko. Binigyan na siya ng deadline para magbayad, or else kailangan na niyang iwanan ang bahay niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nali-link na naman siya ngayon sa isang government official.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with