^

Pang Movies

Cristine hindi na nakakasama ang mister sa mga lakaran

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Cristine hindi na nakakasama ang mister sa mga lakaran
Cristine

Tikom ang bibig ni Ara Mina tungkol sa issue na hiwalayan ng kanyang younger sister na si Cristine Reyes at sa asawa nitong si Ali Khatibi.

Mayroong anak sina Ali at Cristine, ang three-year-old na si Amarah.

Mag-isa lang si Cristine nang umattend sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kung saan nakatanggap siya ng parangal bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Seven Sundays mula sa produksyon ng Star Cinema na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Last year lang ipinalabas sa mga sinehan ang naturang pelikula, kasama ni Cristine dito sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil at Ronaldo Valdez.

Of Ara, kasama siya sa cast ngayon ng pinakabago at nagti-trend na seryeng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial plus veteran actresses Vina Morales at Rita Avila.

Janno naiwan na ni Ogie

Sa parehong event namataan sina Janno Gibbs at ang kanyang dalawang magagandang anak kay Bing Loyzaga na sina Chi at Gab.

Nagpakasal na kaya si Chi sa kanyang boyfriend for five years na si Anton Cruz?

Lumabas noon si Chi sa pelikula ni Janno na Pedro Penduko.

Of Janno, bakit parang ang kanyang showbiz career ay hindi permanente, lulubog-lilitaw. Di katulad ng kanyang dating partner sa lahat ng showbiz appearances na buung-buo at napapanood pa rin madalas sa ilang programa sa ABS-CBN. Ang tinutukoy ko ay si Ogie Alcasid. Madalas siyang mapanood sa Your Face Sounds Familiar Kids hosted by Billy Crawford.

Mapapanood din siya bilang juror sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Pag Saturday naman, gumaganap siya sa dalawang role sa sitcom na iniwanan ni John Lloyd Cruz, ang Home Sweetie Home.

Janella mas close na sa nanay ni Elmo

Obvious na mas close si Janella Salvador sa nanay ng kanyang boyfriend na si Elmo Magalona, si Pia Magalona, kesa sa nanay niyang si Jenine Desiderio.

Nagiging close na rin daw si Janella sa kanyang tatay na si Juan Miguel Salvador na nito lang niya nakapiling.

Sina Jenine at Juan Miguel ay matagal nang hiwalay.

Kasama si Jenine sa dating cast ng Miss Saigon, the popular weekend musical in London, habang si Juan Miguel naman ay dating rock icon.

Naging busy si Janella nitong mga nakaraang linggo sa pagpo-promote ng pelikula nila ni Jameson Blake, ang So Connected, na ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula ngayong araw, directed by Jason Paul Laxamana, produced by Regal Entertainment.

Mother Lily good vibes sa kita ng My 2 Mommies

Inspired si Mother Lily na mag-party with friends, dahil sa magandang kinalabasan sa box office ng kanyang huling movie na My 2 Mommies.

“If I make good again with So Connected, rest assured that I will connect with all of you again (meaning members of media, na nanatiling ka-close niya),” nakangiting saad ni Mother Lily.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with