^

Pang Movies

Richard at Bea hinihiritan ng pelikula

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Bea hinihiritan ng pelikula
Richard Gutierrez at Bea Alonzo

Nasa GMA 7 pa lang si Richard Gutierrez ay may mga fan na nagsasabing sana ay magkaroon sila ng project together ni Bea Alonzo.

Nang mapunta sa ABS-CBN si Richard ay ma­raming mga fan ang nagsabing pagkakataon na para magkasama sa isang TV series ang aktor at si Bea.

Sa isang interview naman ng aktres kamakailan nang tanungin siya kung sino pa ang mga gusto niyang makasama sa mga project, binanggit niya Si Richard.

“Richard Gutierrez is with ABS-CBN na, kaya sana magkatrabaho kami in the future,” dialogue ng aktres.

Kahapon nang magkausap kami ni Richard ay ikinuwento ko ang sinabing ‘yon ni Bea at natuwa ang aktor.

“Talaga? Actually, I would like to work with Bea also. She’s one of the best actresses we have in this generation and it will be an honor to share the screen with her,” sabi ni Richard.

Samantala, hindi pa naman kinukumpirma ng mga taga-Star Cinema kung kailan ba matutuloy ang reunion movie nina Richard at Angel Locsin.

Kapag tinatanong si Richard tungkol doon, sinasabi na lang niya na ang mga taga-Star Cinema ang mas makakasagot tungkol sa bagay na ‘yon. Basta sila raw ni Angel ay waiting lang.

Alex nag-sorry sa mga nasaktan sa pagja-Japan!

In fairness to Alex Gonzaga, wala siyang violent reaction sa pamba-bash sa kanya ng ilan dahil sa caption niya sa isang picture nila ng nanay niyang si Pinty Gonzaga habang nasa Japan sila na pinost niya sa kanyang Instagram account (@cathygonzaga).

Sabi kasi ni Alex, “Ang sabi nga nila: Japan, Japan sagot sa kahirapan!”

May pumuna kaagad sa caption na ‘yon ni Alex at hindi raw funny at may nagsabi pa na tactless daw ang kapatid ni Toni Gonzaga.

Pero imbes na makipagtarayan nga si Alex sa mga pumuna sa kanya ay nag-sorry na lang siya at nagpaliwanag pa tungkol sa joke niyang ‘yon.

Nabasa ko rin naman ang posting na ‘yon ni Alex at in fairness naman, obvious na hindi naman niya ginawa ‘yon para maka-offend ng mga nagpupunta sa Japan para mag-work.

May iba lang talaga na very sensitive at nag-react kaagad negatively, huh!

Donita natapyasan na ng taba

In fairness to Donita Rose, kahit may narinig ako na nahihirapan siyang mag-diet at mabawasan ang kanyang unwanted pounds, medyo lumiliit na siya ngayon.

Feeling ko, kaya rin tumaba si Donita ay dahil sa naging problema niya sa ex-husband na si Eric Villarama.

Pero ngayong okey na nga sila ni Eric dahil tuluyan na niyang napatawad ito at natanggap naman na imposible na nga silang mabuo uli ang kanilang pagsasama, mukhang mas positive na ang outlook ni Donita ngayon sa buhay kaya nga mas naaasikaso na niya ang kanyang sarili.

The last time nga na nagkita kami ni Donita sa 81 SeiHai Japanese restaurant sa Timog Avenue, Quezon City ay proud na niyang nasabi na pumapayat na siya.

vuukle comment

BEA ALONZO

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with