Agot Isidro
Agot Isidro
Agot napisil na pambato ni Sen. Kiko sa senado!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 22, 2018 - 12:00am

Kung ang PDP-Laban may Mocha...

Pasok si Agot Isidro sa senatorial line-up ng Liberal Party para sa 2019 mid-term elections. Ito ang inihayag ni Sen. Kiko Pangilinan bilang Presidente ng LP.

Wala pa namang kumpirmasyon si Agot dahil pinag-iisipan pa niya ang offer. Rason naman ni Sen. Pangi­ linan, kailangan nila ng babae sa line-up at pasok si Agot sa kuwalipikasyong maging panlaban ng partido.

Isa sa matapang na critic ni President Digong Duterte si Agot. Kung pinag-aralan naman ang basehan, pasado siya sa kwalipikasyon.

October na kasi ang filing ng candidacy sa 2019 kaya simula na pagkuha ng mga kandidato, huh!

Dingdong pinagmalaki ang ‘beautiful wife trophy’

Tinugunan ng GMA Network ang hi­ling ng fans na gumawa ng episode si Marian Rivera sa docu-series niyang Tadhana dahil nami-miss na siyang makitang nagdadrama sa TV.

Heto at lalabas si Marian sa anniversary episode ng docu-series at ang bonus pa, magkasama sila ni Dingdong (Dantes) na siya ring magdidirek ng episode, huh!

Biro nga ni Dong kay Yan, ‘wag siyang susungitan ngayong tinanggap niya ang project. Tugon naman ni Yan, “Hindi naman, ahhh!”

Anyway, congratulations kina Dong at Yan sa panalo nila sa nakaraang 49th Box office Entertainment Award. Film Actor of the Year si Dong at Best Female Host naman ang award ni Ma­rian.

Biro ni Dingdong sa asawa sa Instagram post niya, “Beautiful wife trophy!”

Bukod kina Dong at Yan, panalo naman si Alden Richards bilang Male Recording Artist of the Year habang ina­lay naman ni Ruru Madrid sa yumaong mentor-ma­nager na si Maryo de los Reyes ang Most Promising Male Actor of the Year Award niya.

Jameson pinalipad ang kotse para makapag-promote

Todo-dasal si Jameson Blake kahapon para makaabot sa guesting niya sa It’s Showtime para sa Regal movie niyang So Connected.

Hindi kasi nakapag-promote sa noontime show ang leading man ni Janella. So kahit galing siya sa Batangas para sa last shooting day ng Jun Lana movie niya, halos paliparin na niya ang sasakayan para makahabol sa programa.

Todo dasal naman ang followers niya sa Twitter na sana ay makahabol si Jameson. Kahit hirap, sige pa rin si Jameson sa showbiz career dahil alam niyang bihira lang duma­ting ang ganitong oportunidad, huh!

AGOT ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with