^

Pang Movies

Meghan Markle dapat tularan ng female TV host na sawsawera!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Meghan Markle dapat tularan ng female TV host na sawsawera!
Meghan Markle

Ang cute ng video ni Meghan Markle noong 11-years old siya at nag-viral nang kumalat ang balita na magpapakasal sila ni Prince Harry.

Bagets pa lang, opinionada na si Meghan pero cute at hindi nakakairita ang intelligence niya. Kulot na kulot ang buhok ni Meghan na minana nito sa kanyang ina na si Dorian Ragland.

Siyempre, can afford na si Meghan na magpa-rebond ng buhok nang maging artista siya, lalo na ngayon na misis na siya ni Prince Harry.

Wish ko lang, katulad ni Meghan ang isang female TV host na super opinionada pero kinabubuwisitan dahil antipatika.

Siya ang female TV host na nakikisawsaw sa lahat ng mga isyu at pinagtatawanan dahil ba­limbing siya. Never na magiging Meghan Markle ang female TV host na etchosera at nakakairita ang mga opinyon.

Kobe na-in love sa volleyball player

Ponggay Gaston ang name ng Ateneo student na natsitsismis na girlfriend ni Kobe Paras.

Pauline ang real name ni Ponggay na isang volleyball player kaya kilala ng madlang-bayan.

Secretive si Kobe kapag ang personal life nito ang involved kaya hintayin na lang natin kung aaminin niya na playing beautiful music siya with Ponggay.

Hindi naman showbiz at very transparent si Kobe kaya sooner or later, malalaman natin ang tunay na score kung dating pa lang o girlfriend na niya ang popular volleyball player ng Ateneo.

Jinggoy sinusulit ang bakasyon sa Amerika

Entertaining ang kuwento ni Jinggoy Es­trada na ka­ba­dung-kabado siya nang mahalal na se­nador noong 2004 dahil bigatin ang mga colleague niya like Senator Juan Ponce Enrile, Senator Miriam Defensor Santiago at Senator Nene Pimentel.

Natural na kabahan si Jinggoy dahil igina­galang na mga personalidad at talagang ma­tatalino ang mga senador na binanggit niya ang pangalan.

Ang sey ni Jinggoy, nawala lang ang kanyang kaba nang makita niya si Senator Lito Lapid as in wala nang reason para mag-alala siya.

I’m sure, nagbibiro lang si Jinggoy para patawanin ang mga miyembro ng Filipino community sa Michigan na nag-imbita sa kanya sa isang speaking engagement na nangyari noong birthday ko, May 20.

Mukhang suplado si Jinggoy pero sa totoo lang, joker siya at sobrang lakas ang sense of humor na minana niya mula sa kanyang ama, si Manila City Mayor Joseph Estrada.

Ang pagiging komikero ni Jinggoy ang dahilan kaya nami-miss siya ni Bong Revilla, Jr. na naiwan na mag-isa sa detention cell nila sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Makaka-apir na sa Miss Manila…

Nakakulong na si Jinggoy sa Camp Crame nang umpisahan ng City of Manila at ng MARE Foundation Inc. ang annual Miss Manila contest.

Ngayong 2018, puwede nang dumalo si Jinggoy sa coronation night ng Miss Manila sa PICC Plenary Hall sa June 26 dahil nasa laya na siya.

Every year, kumpleto ang Ejercito family sa coronation night ng Miss Manila, maliban kay Jinggoy pero mukhang makakaapir na ito dahil malaya na siya.

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with