^

Pang Movies

Solenn umuuwi pa rin sa mansiyon ng mga magulang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Solenn umuuwi pa rin sa mansiyon ng mga magulang
Solenn Heussaff

Naliliitan sa bahay nila

Kahit pala may asawa na si Solenn Heussaff, umuuwi pa rin ito sa bahay ng parents niya sa Forbes Park.

Ang dahilan ng aktres kung bakit siya pumupunta pa rin  ay hindi para iwasan ang mga practical jokes ng mister na si Nico Bolzico, kundi para magpinta ng kanyang mga obra.

Sa isang condominium unit kasi sa Taguig City nakatira sina Solenn at Nico at walang lugar doon para makapag-paint si Solenn.

“Sa bahay ng parents ko tuwing Sunday nandoon ako. Kapag nagpe-paint ako, sa balcony ng parents ko. Gusto ko ‘yung araw kasi,” paliwanag ni Solenn.

Dadag pa ni Mrs. Bolzico na nami-miss niya ang kanilang swimming pool at malaking garden kung saan madalas mag-relax ito noong dalaga pa siya.

“Apartment pa lang ‘yung sa akin ngayon so medyo maliit pa. Wala pang garden at wala pang pool,” sey pa niya.

Kaya huwag magtaka kung wala sa bahay nila ni Nico madalas si Solenn dahil matatagpuan lang siya sa bahay ng magulang niya na nagpipinta or nagsa-sunbathing.

Kambal Karibal, dinumog sa grand fans day

Dahil sa patuloy na mataas na ratings ng primetime teleserye ng GMA-7 na Kambal Karibal, inabangan ng maraming fans ang cast nila sa naganap na Summer Saya Grand Fans Day ng GMA Artists Center sa Music Museum noong nakaraang May 19.

Pinuno ng mga fans ng Kambal Karibal ang naturang venue at hindi sila magkamayaw sa paglabas ng mga bida ng teleserye na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Pauline Mendoza, Jeric Gonzales at Kyline Alcantara.

Inabangan ng mga BiGuel fans ang dance number nila Miguel at Bianca, pati na ang performance ng ibang GMA Artist Center talents.

Ed Sheeran pinataob sina Taylor, Bruno at iba pa sa BillBoard Music Awards

Si Ed Sheeran ang tinanghal na Top Artist of the Year ng 2018 Billboard Music Awards na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nanalo si Ed dahil sa multi-platinum album niya na Divide.

Tinalo ni Sheeran sa kanyang category sina Drake, Kendrick Lamar, Bruno Mars at Taylor Swift.

Wala si Ed sa Las Vegas dahil kasalukuyang on tour ito sa United Kingdom kaya nagpasalamat na lang ito via live video.

Napanalunan din niya ang Top Male Artist, Top Hot 100 Artist, Top Song Sales Artist, Top Radio Songs Artist at Top Radio Song (Shape of You),

Sulit naman ang pagdalo ni Taylor despite her hectic schedule dahil sa kanyang Reputation Stadium Tour dahil napanalunan niya ang Top-Selling Album Award at Top Female Artist para sa album na Reputation.

Si Janet Jackson naman ang recipient ng Icon Award.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with