^

Pang Movies

Maine mahigit 36 pa rin daw ang endorsements

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine mahigit 36 pa rin daw ang endorsements
Maine Mendoza

MANILA, Philippines — Mukhang mapag-iiwanan na talaga ni Maine Mendoza si Alden Richards lalo na kapag natuloy ang offer ni Mother Lily na pagsamahin sila ni Maricel Soriano sa isang pelikulang ipanlalaban sa dara­ting na MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018.

Well mukha namang bagay pagsamahin ang dalawa, dahil noted comedienne na rin si Maine ngayon, ang problema lang, ang makakalaban niya kapag nag-showing na eh ang kanyang Bossing Vic Sotto na nabalitang may gagawin daw na pelikula kasama si Coco Martin.

Tsika sa amin ng number one fan ni Maine na si Mariel, mayroon daw itong 36 endorsements. Kaya pala kahit walang teleserye si Maine ay mayaman pa rin ito, ang dami naman pala kasing raket.

Sayang lang at pinabayaan pa ni Alden na makawala si Maine sa kanya dahil lang sa mga intriga.

JC nakikipagsabayan sa mga beterano

Pansin na pansin ang pag-arte ni JC Santos sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, maraming nag-aabang sa paghaharap nila ni Coco Martin dahil sa issue nilang pag-aagawan kay Yassi Pressman.

Isa palang singer at stage actor itong si JC kaya lutang din ang kanyang galing, talagang hindi rin siya nagpapatalo kina Edu Manzano, Alice Dixson at Rowell Santiago.

Umani naman ng maraming palakpak ang grupo nina Coco Martin at Lito Lapid dahil sa pagsugod nito sa kuta nina Mark Anthony na hawak naman si PJ Abellana, wala man lang daw kasing nasaktan sa mga ito. Pagkatumba, bangon agad para tumakbo at magtago sa kalaban.

 Ang nakakalungkot daw sa istorya, puro raw pulis ang nababaril sa eksena laban sa mga mala-zombies na kalaban.

Citizen Jake kulang sa ingay

Sa May 23 na mapapanood ang biggest break sa pelikula ni Atom Araullo, ang Citizen Jake na idinirek ni Mike de Leon.

Sa Baguio raw kinunan ang mga eksena rito.

Marami ang nagtatanong, bakit daw kulang sa ingay ang nasabing pelikula, gayung maganda at matino naman daw ang istorya nito. Puro lang naman daw kasi sa facebook ang announcement nito.

Personal…

Maligayang kaarawan sa May born movie ce­lebrants na sina Ms. Cory Vidanes, Rachel Lobangco, Shamcey Supsup, Eddie Garcia, Alec Bovick and Superstar Nora Aunor noong May 21.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with