^

Pang Movies

Loveteam nina Barbie at Derrick, masusubukan na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Loveteam nina Barbie at Derrick, masusubukan na
Barbie Forteza at Derrick Monasterio

Huhusgahan na simula ngayong Monday evening sa GMA Telebabad, kung muling magki-click ang loveteam nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na nagsimula noong gawin nila ang top-rating afternoon prime drama series na The Half Sisters. Hindi na nasundan iyon until sa kanila ibinigay ang romantic-comedy series na Inday Will Always Love You.

Muling mapapanood si Barbie sa role na gustung-gusto ng mga fans niya sa kanya. She will play the bubbly and optimistic girl, si Inday Happylou na assistant sa isang lechon store.

“Actually po ay matagal na naming gustong ipapanood sa inyo ang aming romcom dahil matagal na naming nasimulan ito at na-cover na namin ang Sinulog at nai-shoot na namin ang mga magagandang lugar sa Cebu,” kuwento ni Barbie. “Kaya sana po ay magustuhan ninyo ang mga eksenang ipakikita namin sa inyo, samahan po ninyo kami mamayang gabi, pagkatapos ng Kambal Karibal dito sa GMA 7, with Juancho Trivino, Ricky Davao, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Kim Rodriguez, Tina Paner at Ms. Nova Villa.”

Glaiza umeksena sa burol

Hindi napansin ang pagbabakasyon ni Glaiza de Castro sa Contessa kahit nine days pala siyang nawala sa taping ng kanilang afternoon prime drama series.

Marami na rin pala silang nai-taping na eksena bago iyong hiningi niyang bakasyon kaya tuluy-tuloy ang drama series kahit wala siya.

“Pero tamang-tama naman po na nagbakasyon ako dahil nakapag-recharge ako after ng mga madadramang eksena sa pagpasok pa lamang ng serye namin,” kuwento ni Glaiza. “Ngayong nag-resume ako ng taping, ibang-ibang Contessa na ang mapapanood nila. Sa pagbabago ng hair color, hair style at outfit, hindi na po kilala si Glaiza, nawala na siya, puro Contessa na ang tawag sa kanya ng mga fans. Wala na rin iyong character niyang si Bea na laging umiiyak, ngayon umiyak man siya dahil naroon pa ang kapatid niyang si Ely na parang siya ang kanyang konsensiya.

“Mas marami pa kaming pasabog, next week, abangan ninyo iyong funeral scene na may ginawa na naman si Contessa, iyong damit na ginamit ko ginawa ni Charina Sarte. May budget po naman ang production kaya no problem ang mga isinusuot ko. Salamat po sa mga viewers na nagsabing mas-exciting daw ang role ko, at type nila ang mga catfights namin ni Daniella (Lauren Young). ”

Ayon pa Glaiza, hindi siyang umuuwing mabigat ang damdamin dahil sa mga eksena na umiiyak siya kaya kahit off-cam na ay itinutuloy niya ang pag-iyak para mailabas ito.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with