^

Pang Movies

Sharon dapat tigilan na ang pamamahiya kay KC!

Vir Gonzales - Pang-masa
Sharon dapat tigilan na ang pamamahiya kay KC!
Sharon Cuneta

MANILA, Philippines — Bakit naman daw ganon si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Panganay na si KC Concepcion, siya pa ang nangungunang magpatutsada, pilit daw nitong ipinagkukumpara ang kanyang kasikatan noon sa kasikatan ngayon ni KC.

Dapat malaman ni Sharon na hindi puwedeng magkapareho ng kapa­laran ang dalawang tao, kesehoda pang mag-ina sila. At remember, anak siya ng dating Mayor of Pasay na si Pablo Cuneta noon, kaya iba naman ang suwerte ni KC ngayon.

Dapat daw ay pag-usapan nilang mag-ina ang kanilang problema at huwag nang i-post pa sa social media.

Dapat ding malaman ni Sharon na agad niyang ipinadala si KC sa Europe noon para mag-aral kaya nasanay na ito sa kulturang European na nagsosolo na agad sa buhay at maging independent.

Sa panahong ito kasi, mahirap nang maulit ang suwerteng nangyari noon kay Shawie, kakaunti lang ang mga nag-aartista noon at talagang may talent, unlike ngayon, basta maputi at tumangos ang ilong, artista na kahit walang talent.

Piolo naasiwa ?kay Charo

Nakakatuwa ang kwentong ito ni Piolo Pascual, noong kinunan daw ang eksena nila ni Ms. Charo Santos sa taping ng Since I Found You kung saan kailangan niyang itulak at sigaw-sigawan ito ay kinabahan daw siya. Si Ms. Charo kasi ang gumaganap na ina ni Piolo sa nasabing serye. Nagtanim siya rito ng galit dahil iniwanan siya noong siya ay maliit pa.

Nag-alangan si Piolo dahil napakabait ni Ms. Charo at siyempre, big boss pa ito ng ABS-CBN at best actress pa sa international movie na Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz.

Masaya si Piolo dahil sa mataas na rating ng kanilang serye, kahit na may mga negang isyu pa na ibinabato sa kaparehang si Arci Muñoz.

Young actress presyong pelikula ang singil nang maimbitahan sa Santa Cruzan!

Bumati na sina Bulacan Governor Willy S. Alvarado at Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa ginanap na Santa Cruzan sa Baliuag.

Nagsilbing Hermano Mayor si Jorge Allan Tengco na isinabay sa kapistahan ng Baliuag kamakailan lang. Hindi na sila nag-invite ng mga artista, paano kasi may narinig kaming young star na iniimbita, akalain mo ba namang presyong pelikula ang asking price nila?! Kamuntik na tuloy himatayin ‘yung nag-iimbita.

Ang mga artista ngayon, grabeng magpresyo! Samantalang sa mga teleserye lang naman daw lumalabas.

Samantala, may offer kay Vice Gov. Daniel na bagong teleserye pero hindi niya ito tinanggap dahil malapit na ang halalan.        

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with