^

Pang Movies

Rocco sunud-sunuran lang sa GF?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rocco sunud-sunuran lang sa GF?!
Rocco & Melissa

Nakakatanggap ng bashing mula sa netizens ang non-showbiz girlfriend ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing.

Simula noong maging public ang dalawa sa kanilang relasyon noong March, maraming netizens, karamihan ay fans nila Rocco at ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, ang disappointed sa aktor dahil sa panggagamit daw nito kay Sanya.

Nagpakita pa raw kasi na sweet si Rocco kay Sanya habang ginagawa nila ang Encantadia at Haplos. Yun pala ay may girlfriend na ito.

Lalong nagalit ang fans ni Sanya nang malaman nitong in-unfollow daw ni Rocco si Sanya sa Instagram at burado na ang mga photos nilang dalawa.

Sinisisi ng netizens ang girlfriend ni Rocco sa pangyayaring ito.

Dahil sa bashing na natanggap ni Melissa, sinagot ni Rocco ang isang netizen at nakiusap na huwag idamay ang kanyang girlfriend sa ginawa niya.

“So it’s not fair na tinitira nyo sya. Easy lang ah, back off from Melissa, okay? Nakaka-turn off ka naman,” tweet pa ni Rocco.

Sinabihan na lang si Rocco na i-block ang mga bashers, maging ang girlfriend niya ay gano’n na rin ang ginawa.

Paolo sumusubok magpa-therapy bago magpa-opera

Pagkatapos na i-post ni Paolo Ballesteros ang na-diagnose na may slipped disc siya, nag-post ito ng isang photo sa Instagram na suot niya ang isang tinatawag na Lumbar Corset.

Ang primary use ng isang lumbar corset ay para magbigyang suporta ang lower back muscles to relieve low back pain. Makakatulong din ito na maibsan ang extensive arthritis at mild lumbar instability.

Dinadaan muna ni Paolo ang kanyang slipped disc sa pamamagitan ng physical therapy.

Masyado na kasing busy at walang pahinga si Paolo, lalo na’t isang blockbuster hit ang kanyang pelikulang My 2 Mommies.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with