^

Pang Movies

Ara P1-M ang target para sa mga may down syndrome

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ara P1-M ang target para sa mga may down syndrome
Ara at Batching

Dahil sa kanilang experience mismo sa pagkakaroon ng isang miyembro ng pamilya na may down syndrome, si Ara Mina ay laging nag-iisip ng mga proyekto para matulungan ang isang foundation na tumutulong sa mga taong may ganung problema, at sa mga pamilya nila. Noong una ay nagkaroon siya ng concert, ngayon naman ay isang fun run ang proyekto niya na gaganapin sa Philippine Arena sa May 27.

Noong humarap si Ara sa media, kasama niya ang kanyang kapatid na si Batching, na sinasabi nga niyang talagang kailangan ng attention dahil kung hindi ay may mga nagagawa iyong hindi maganda.

Basta raw nakukunsumi, minsan itinatapon lahat ng mahawakan. Minsan naman ay nangangagat pa. Kaya ang kailangan pala sa mga taong ganyan ay lagi mong bibigyan ng activity. Hindi sila dapat naiinip.

Pero may pag-asa dahil naitatama naman daw iyan at maraming mga taong may down syndrome na nakakapamuhay ng normal at nakakapagtrabaho pa. Kailangan nga lang talagang matulungan sila, at iyon ang dahilan kung bakit si Ara ay nagsisikap sa may mga down syndrome.

Isang milyon ang target ni Ara na mai-raise sa kanyang fund campaign na ito. Magkakaroon ng isang celebrity bazaar at may free concert pa sa gabi para matawag ang pansin ng mga tao. Ganoon pa man, sinasabi nga niyang kung hindi nila abutin ang isang milyon, maski na one hundred thousand lang, makakatulong na rin iyon sa mga proyekto ng foundation.

Inaasahan nga nilang dadayuhin naman sila ng maraming runners dahil doon daw mismo sa Arena ay maraming runners ang tumatakbo kahit na walang competition. Iyon lamang, sabi nga nila, kung sasali sa kanilang fun run ay tiyak na makakalikom sila ng pondo.

Sana nga maraming sumuporta sa project na iyan ni Ara.

Anne-Dingdong movie may dayaan!

“It is not a love story”, iyan ang iginigiit ni direk Irene Villamor tungkol sa kanyang pelikulang Sid & Aya nina Anne Curtis at Dingdong Dantes. Nang matanong kung bakit ganoon din ang title, pabiro pa niyang sinabing maaaring ang ibig sabihin din noon ay “si daya, dahil marami talagang mandaraya sa ngayon”.

Ayaw niyang sabihin kung ano talaga ang kuwento, dahil naroroon daw ang sikreto ng pelikula. Inamin niyang tungkol iyon sa dalawang taong nagmamahalan, pero base sa kanyang kuwento, mukhang nagkadayaan in the end.

Hindi rin naman niya maikaila nang tuksuhin siya kung may naging “Sid” ba sa kanyang buhay. Nasabi nga niyang ang lahat naman ng kuwentong isinulat niya ay may pinagmulan, bagama’t hindi nga niya inaamin na kanya mismong karanasan iyon.

Naniniwala nga siya na isang potential hit ang pelikula dahil tiyak na marami ang makaka-relate sa kuwento noon.

Isa siya sa mga director na naniniwalang ang kuwento talaga ang nagdadala sa isang pelikula, at hindi nga maikakailang lahat naman ng umibig kahit na minsan ay nakaramdam na na­daya sila, kaya tiyak relate sila riyan sa Sid and Aya.

Isa pa, malalakas naman ang kanyang artistang sina Anne at Dingdong na sinasabi nga niyang sa una pa lang ay siyang mga artistang nasa isip niya nang ginagawa pa lamang niya ang kuwento nito.

 

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with