^

Pang Movies

Janella pumapangit ang image dahil sa nanay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Janella pumapangit ang image dahil sa nanay
Janella Salvador

Mukhang hindi na maganda ang nangyayari dahil ang tagal na ng alitan at ‘di pagkakasundo ng mag-inang sina Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Mas lalong hindi maganda dahil mukhang ang lumalabas lang na dahilan talaga ay ang panliligaw kay Janella ni Elmo Magalona. Siyempre ang mga bata pang babae, basta may nanliligaw riyan naroroon ang kilig. Pero siguro rin naman may dahilan kung bakit umaayaw si Jenine kay Elmo.

Ang masama pa, dahil maraming mga project na ginagawa si Janella, lalong napag-uusapan ang awayan ng mag-nanay. Alam naman ninyo ang takbo ng publisidad ngayon, sa halip na pag-usapan ang merits ng mga pelikula nila, ang mga away nila ang mas kinakalkal, dahil sa paniniwalang ang mga ganoong kuwento ang hinahanap ng mga tao, lalo na sa social media.

Si Jenine ang medyo talo dahil lumalabas mas madalas na siya ang kontrabida.

Pero sa kalaunan, dapat maintindihan ni Janella na baka nakakasira na rin sa kanya ang ganyang klase ng publisidad. Dahil hindi man sinasabi nang diretsahan, lumalabas na matigas ang ulo niya at isa siyang suwail na anak. Hindi rin maganda na ganun ang image niya. Kasi kung kami man ang magulang at mapapansin namin iyan, aba eh sasabihan din namin ang mga anak namin na hindi siya dapat hangaan.

Siguro sa ngayon hindi pa niya nararamdaman iyan, pero kalaunan makikita rin niya ang hindi magandang epekto ng ganyang klase ng publisidad.

Kaya nga ang dapat, mag-usap nang masinsinan ay silang mag-ina. Magpaliwanagan sila kung ano ang punto ng isa’t isa at tigilan na ang pag-aaway sa publiko.

Matteo pinatunayang may breeding pag pumapatol sa basher

Noong isang gabi nga, pinag-uusapan namin na makikita mo ang klase ng edukasyon at breeding ng isang tao dahil din diyan sa social media. Marami ang nakikipagtalakan sa social media. Ingles nga lang ang kanilang posts pero kung iisipin mo, walang ipinagkaiba iyon sa pakikipagtalakan sa mga palengke. Buti pa nga sa palengke, kaharap mo ang katalakan mo. Eh iyong pakikipagtalakan sa social media, ni hindi mo alam kung abnormal ba ang kalaban mo.

Kaya iyang iba na kung makipagtalakan sa social media ganoon na lang, nakakatawa lang.

Napag-usapan namin iyan dahil sa naging reaksiyon ni Matteo Guidicelli sa isang basher sa social media. Wala siyang sinabi kung di “shut up”, at hindi na niya pinansin. May breeding kasi eh.      

Aktor na may asawa nagkalat ang mga bagong sex video

Nagkabukuhan na. Hindi na masasabi ng male star na naisahan lang siya dahil sa kumalat na sex video niya. Kasi unti-unti ay lumalabas ang mga video niya.

Mukhang marami siyang nagawang sex video talaga, at mas grabe pa ang mga huling lumabas. Hindi na niya maikakaila ngayon na iyon ay naging bahagi rin ng kanyang sideline at dahil mukhang bago ang mga video, maliwanag na hanggang ngayon ay nagsa-sideline pa rin siya.

Ano naman kaya ang gagawin niya ngayong palusot sa misis niya na napipikon na raw sa naglalabasan niyang sex video.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with