^

Pang Movies

Sharon hindi na mahanapan ng ipapalit kay Gabby!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Finally, sumabog na rin ang Megastar na si Sharon Cuneta at sinabi na niyang hindi na mang­yayari ang pelikula nila ng dating asawang si Gabby Concepcion, “not in this lifetime” sabi pa niya. Ngayon lang din niya inilabas ang lahat ng sinasabi niyang totoong nangyari sa kanilang negosasyon.

Hindi raw totoong billing ang problema, dahil payag naman siya sa hinihinging billing noon. Lalo naman daw siyang hindi tumanggi sa sinasabing ang kikitain nila roon ay para kay KC (Concepcion) para maging pamana nila. Sabi nga ni Sharon, “sino ba ang hindi papayag sa ganoon eh ako naman ang mag-isang nagpalaki kay KC simula noong dalawang taon pa lang siya”. Pero ang totoo raw ay marami pang kung anu-anong problema na lumabas na ang punto lang naman ay ayaw gawin ni Gabby ang pelikula.

Sinasabi ng Megastar na iyon daw ang dahilan kung bakit umayaw na rin siya.

Noon sinasabi ni Sharon, ok lang tutal may gaga­win naman siyang ibang pelikula. Pero mukhang hindi ganun ang sitwasyon ngayon.

Nang talikuran niya ang proyekto nila ni Gabby, mukhang wala pang planong kasunod. Pero siguro nga talagang kunsuming-kunsumi na siya kaya siya umayaw.

Hindi maikakailang gustong makabalik ni Sharon sa kanyang dating status bilang isang Megastar. Sinasabi ng marami na sa ngayon kailangan niya talaga ang isang team up na kasama ni Gabby. Pero siyempre umiiral din naman ang prinsipyo at pride kung minsan.

Ang masakit nga lang, ang sinasabing iba pang leading men na posibleng makasama niya sa isang hit movie, kagaya nina Mayor Richard Gomez at Aga Muhlach ay hindi rin available sa ngayon.

Sana nga maihanap na nila ng ibang magandang project si Sharon.

Sweldo ng mga miyembro ng MTRCB di rin pinalagpas ng COA

Hindi ito masyadong nabalita, pero ngayon pala pati ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ay kinukuwestiyon na ng Commission on Audit, dahil diumano sa pagpapalabas ng 14.8 milyong piso, na sa tingin ng COA ay hindi suportado ng mga tamang dokumento.

Ang malaking bahagi raw noon ay napunta sa suweldo ng board members, na sinabi nilang lumalabas na tumatanggap ng mahigit na 41 libong piso sa isang buwan, samantalang sa PD 1986 na siyang lumikha sa MTRCB ay sinasabing ang honoraria ng member ng board ay hindi dapat humigit sa limang libong piso.

Kung iisipin naman, iyong PD 1986 ay ginawa noon pa ngang 1986 din, at iba na ang halaga ng pera noon sa ngayon. Pero naroroon nga iyong paniniwala noon na ang pagiging member ng MTRCB ay hindi naman hanapbuhay kundi talagang public service lamang. Siguro naman kailangan lang na linawin nila ang lahat ng mga disbursements na iyan.

P. Duterte bumisita sa huling gabi ni Cheng

Nagbigay galang si Pangulong Rodrigo Duterte sa film producer na si Cheng Muhlach nang dumalaw siya sa huling gabi ng burol noon sa Heritage Chapels. Si Cheng ay kilalang isang Duterte suppor­ter simula’t simula pa. Naniniwala siya sa mga pagbabagong sinimulan ng presidente.

Bilang pagkilala naman sa kanya, nagdaan ang pangulo sa huling gabi ng kanyang lamay. Inihimlay na si Cheng sa huling hantungan kahapon.

 

 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with