Joshua at Julia
Kapamilya love teams, magbibigay saya sa Just Love Araw-Araw fan meet
(Pang-masa) - May 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Samahan ang Kapamilya love teams na JoshLia, LoiNie, MarNigo, at MayWard sa pinaka-inaabangang Just Love Araw-Araw Fan Meet na magaganap na sa May 19 at 20 (Sabado at Linggo) sa ABS-CBN Vertis Tent.

Isang eksklusibong pagsasama handog ng ABS-CBN Events, tampok sa Fan Meet sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa May 19 (Sabado), 3:00 pm. Mapapanood naman sa gabi, 7pm, ang masayang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Sina Maris Racal at Inigo Pascual naman ang magpapasaya sa May 20 (Linggo), 3:00 pm, habang makakasama naman ng JoshLia fans ang kanilang paborito na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa gabi, 7:00 pm.

Magkakaroon ng masasayang games, challenges, at iba pang activities para sa nasabing exciting event pati na rin ang inaabangang performances mula sa mga nasabing maiinit na love teams ngayon.

Inaanyayahan din ang mga bisita na sumali sa Dress To Impress game sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang bonggang OOTD para sa pagkakataong magkaroon ng groufie shot kasama ang kanilang paboritong tambalan.

Maaari ding gumawa ang mga bisita ng kanilang Fan Art alay sa kanilang paborito upang magkaroon ng pagkakataong mapili at maiuwi ang pre-loved item mula sa kanilang mga idolo.

JULIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with