^

Pang Movies

Maine hanggang social media lang napantayan si Vice!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maine hanggang social media lang napantayan si Vice!
Maine Mendoza

Lumabas sa report ng isang social media platform na batay sa kanilang records, ang pinakapinag-usapang local stars sa kanilang platform lamang ha, ay sina Maine Mendoza at Vice Ganda. Talaga namang pareho silang sikat, at natural na pag-usapan ng publiko. Pero para sa isang analyst, lalo na iyong naging dating media buyer sa advertising agency, iba ang magiging pagtingin sa record na iyan.

Pantay ang popularidad nina Maine at Vice ayon sa record ng social media platform na iyon, pero ang tanong, bakit ang mga pelikula ni Maine ay hindi kumikita ng kasing laki ng kinikita ng mga pelikula ni Vice? Tatanungin mo rin naman, bakit hindi makaabante ang noontime ni Vice laban sa noontime show na kinabibilangan ni Maine?

Magkakagulo na naman iyan siyempre at magkakaroon ng iba’t ibang opinion. Pero sinasabi lang namin ang ­aming obserbasyon.

Ano ang aming conclusion? Iyang social media ay hindi talagang reflective o nakapagbibigay ng hustong feedback sa popularidad ng isang tao. Nangyayari kasi na may mga artistang sobrang aktibo ang fans na gumagawa sila ng napakara­ming accounts, kahit hindi sila ganoon karami.

Isa pang bagay, may mga pelikula na ang tindi ng promo na ginagawa sa social media. Nakakapangdaya pa nga sila, dahil iyong advertising layout na dapat nasa diyaryo, inilalabas na ng mga reporters at bloggers ng mga pralala nila sa social media. Eh bakit tumitim­buwang sa takilya ang mga pelikulang iyan? Bakit sila nangangamote sa takilya? Kung purihin iyang mga iyan sa social media matindi. Ibig sabihin, hindi pa rin ganoon ang influence ng social media sa kumersiyo.

Itong sa amin, opinion lang base sa aming sariling analysis. Aywan namin kung ano ang nasa isip ninyo.

Gretchen kinagalitan ng nanay!

Natawa kami doon sa palitan ng opinion noong isang araw.

May isang taong galit na galit kay Gretchen Barretto dahil kung ilang ulit na raw siyang humiling na tulungan siya para makapag-aral ang kanyang anak, pero hindi naman siya pinapansin man lang. Mukhang namimili lang daw si Gretchen kung sino ang tutulungan at mali iyon.

Ang tanong, sino ba ang may responsibilidad na magpaaral sa isang anak, hindi ba ang kanyang magulang?

Hindi ba nakakatawa na nagagalit siya kay Gretchen dahil hindi mapanagutan ang responsibilidad na kung tutuusin ay sa kanya. Si Gretchen ay isang pribadong taong tumutulong lamang. Maski iyang DSWD, hindi naman matutulungan ang lahat. Nanghihingi ka lang magagalit ka pa?                                                                                

Ilang sikat na artista, pasok sa narco list!

May ilang sikat na stars na sinasabing kabilang sa bagong expanded narco list. Hindi namin nakita ang sinasabing narco list, pero ang mga binanggit sa aming pangalan, more or less pinaniniwalaan na­ming posibleng gumagamit talaga ng droga.

Lalo na nga iyong isang male star na minsan ay nakasalubong namin na ang hitsura ay tila wala sa sarili at  naglalakad nang walang patutunguhan.

Sinabi na naman sa inyo, seryoso ang gobyerno sa pagtugis sa mga gumagamit ng droga pero ayaw pa ninyong tumigil. Makakalaban ba kayo kung huhulihin kayo?

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with