Maraming showbiz Mom kanya-kanyang paandar nung Mother’s day
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 14, 2018 - 12:00am

Kanya-kanyang pakulo at kaganapan ang ilang celebrities kaugnay ng selebrasyon ng Mother’s Day kahapon.

Unahin natin si Luis Manzano na superwoman ang tawag sa ina niyang si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Sa post niya sa kanyang Facebook, sinuklian ni Lucky ang, “I love you, Lucky!” noon ng ina sa pag-shout out naman ng, “I love you, Momski!!!”

“A HEARTFELT HAPPY MOTHER’S DAY. Kahit lagi tayong comedy, minsan nagpapaka-senti rin ako, remembering all the ups and downs, good times and bad na pinagsaluhan natin. Kaya nga this time, hindi hugot, hindi tribute...instead, I chose to make you have fun by making you, do two things na miss na miss mo noon, heto ang Always Panalo Mommy Vi moment mo. I love you Momski! #ViLucky,” mensahe ni Luis kay Ate Vi.

Sa panig naman ni Angeli Pa­ngilinan-Valenciano, best Mother’s Day gift ang natanggap niya kahapon – pinayagan na ng doctor (Dr. Enrique Posas) ang asawang si Gary Valenciano na lumabas sa ospital after ng successful heart bypass operation.

“Gary is checking out this morning on Mother’s Day. Thank you for all the love and prayers. Happy Mother’s Day!” bahagi ng caption ni Mrs. GV.

“Time to go home and renew his energy. And His timing is so wonderful!” dagdag na post niya na may video na naglalakad ang asawa upang magpasalamat sa nurses at doctors na nag-alaga sa kanya habang nasa ospital.

Idinispley naman ni AiAI de las Alas sa kanyang Instagram ang red rose na Mother’s Day gift ni Alden Richards.

“Salamat sa baby boy ko na hindi nakakalimot sa kanyang nanay labyu! sa lahat ng mga anak ko sa showbiz na nag greet saken Miguel Tanfelix, Ruru Madrid at Marvin Agustin.”

Bago ‘yon, pinasalamatan din ni AiAi ang dalawa niyang ina, isang biological at adoptive mother.

Si Alden naman, inalala ang namatay niyang ina na si Rosario Faulkerson sa IG foto na nakapost. “Love you Ma!” Sa Eat Bulaga nu’ng Sabado, naging madamdamin ang pag-aalala ng Pambansang Bae sa yumaong ina nu’ng 16 years old pa lang siya.

Kinanta niya sa special edition ng EB ang I Will Be Here at Line To Heaven. Tinugunan niya ang tanong ni Ryan Agoncillo na kung meron siyang line to heaven, ano ang sa­ssabihin niya sa ina.

“Uwi ka na, anytime...” tugon ni Alden.

How about my Mother Editor, SA? For sure super enjoy ka sa Mother’s Day mo sa SG, huh!

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with