^

Pang Movies

Alden at Juancho magkasira pa rin

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Alden at Juancho magkasira pa rin
Alden

Si Derrick Monasterio ang leading man ni Barbie Forteza sa Inday Will Always Love You, pero marami rin ang nag-interview sa main support na si Juancho Trivino.

Siyempre, ang tungkol sa naging issue sa kanila ni Alden Richards dahil sa video na nagdi-dirty fingers siya after i-focus ng isa niyang kaibigan sa tarpaulin ni Alden ang camera.

Dahil doon, na-suspend si Juancho sa Siyete.

Pero ngayon naman daw, okey na at puwede nang magtuluy-tuloy ang trabaho ni Juancho sa Kapuso network.

Hindi na nga lang daw naging okey talaga sina Juancho at Alden, ayon na rin sa isang namamahala sa career ng una.

Isang tomboyitang kaibigan nga pala ni Juancho ang kumuha raw ng video na ‘yon at nilayuan na raw ‘yon ng binata.

Super Tekla nilayasan ang presscon

Ang comedian na si Super Tekla sa 17th floor ng GMA Network, Inc. bago nagsimula ang press conference ng romantic-comedy series na Inday Will Always Love You.

Nang magsimula ang press conference, wala na si Super Tekla.

Pero hindi nag-walkout ang gay comedian. Kinaila-ngan lang niyang umalis dahil may flight siya pa-Bohol kung saan ay may previous commitment na siya bago pa man sila sinabihan para sa press conference ng Inday Will Always Love You.

Akala kasi ni Super Tekla ay magsisimula ang press conference bago mag-12:00noon, kaya nagpaalam na lang siya sa mga taga-production dahil sa Clark pa raw ang airport ng flight niya pa-Bohol.

Eh, nakatsikahan namin ni Manay Lolit si Super Tekla bago siya umalis, kaya biniro namin siya na mahe-headline siya na nag-walkout sa press conference ng I Will Always Love You.

Tawa lang naman siya nang tawa.

Lalong natawa si Super Tekla nang biruin namin na may casino malapit sa airport ng Clark at dumaan muna siya roon at mag-slot machine bago ang flight niya pa-Bohol.

Naging issue kasi noon kay Super Tekla ‘yung pagkagumon daw niya sa casino kaya natsugi siya sa isang regular show niya sa Kapuso network.

Samantala, kahit palaging nakasuot pambabae at naka-make-up, hindi pa rin naman kinakalimutan ni Super Tekla ang pagiging tatay niya sa anak na si Airah na kasamang nakatira ng nanay nito sa Bacolod.

Palagi raw nagbi-video call si Super Tekla sa anak at hindi kinakalimutang padalhan ng monthly allowance si Airah.

Mariel ayaw umasa kina Boyet at Sandy

Kahit mga batikang artista ang kanyang parents na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, kasalukuyan pa ring nagwo-workshop si Mariel de Leon bago niya simulan ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ng isang sikat na aktres.

Bale two days na sasalang sa workshop si Mariel para hindi siya mangapa sa kanyang dramatic scenes para sa pelikulang gagawin.

Of course, binibigyan din nina Christopher at Sandy ng pointers pagdating sa pag-arte si Mariel.

May mga nagtatanong nga pala kung saang TV network pipirma ng kontrata si Mariel, pero wala pa raw dahil ayon sa manager niyang si Leo ay magko-concentrate muna sa pelikula ang beauty queen turned actress.

KC kailangan nang mag-focus sa career

Ang komentong dapat mag-concentrate na si KC Concepcion sa kanyang showbiz career dahil 33 na siya.

Marami kasi ang nanghihinayang dahil parang hanggang ngayon ay hindi pa rin gustong gumawa ni KC ng showbiz projects at mas concentrated sa kanyang pagbabakasyon.

In fairness to KC, hindi lang naman siya basta nagbabakasyon, marami rin naman siyang charitable projects at may mga negosyo rin na pinagkakaabalahan!

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with