Bold star na adik sa botox at fillers, napagkamalang manikin!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 11, 2018 - 12:00am

Mukha nang manikin ang isang bold star dahil bisyo na niya ang magparetoke ng mukha.

Nagsasayang ng panahon at datung ang bold star dahil kabaliktaran ang nangyari. Imbes na gumanda, parang sa manikin na hindi stunning ang face value niya dahil halos hindi na gumagalaw ang kanyang mukha na alipin ng botox at fillers.

Hindi naman natin masisisi ang bold star na marami nang ipinaayos sa mukha at katawan mula nang pumasok siya sa showbiz noong early 2000.

Ynez nagpapa­kontrobersyal, iba na ang hitsura

Ayaw banggitin ni Ynez Veneracion ang name ng kanyang anak kaya pinagbibintangan siya na nagpapakontrobersyal dahil mismong si Maguinda­nao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadato ang umamin noon na may anak sila.

‘Yung iba naman, dedma sa mga pralala ni ­Ynez dahil hindi isyu sa kanila ang pagkakaroon niya ng anak bilang nagkakaedad na siya.

Wala sa hitsurang senior na, Vilma kinaiinggitan

Nakakatanggap ako ng mga email mula sa fans na tuwang-tuwa sa commercial nina Congresswoman Vilma Santos at Luis Manzano.

Nakaka-good vibes daw na panoorin ang TV ad ng mag-ina na very timely dahil sa Mother’s Day celebration sa May 13.

Agree ako sa mga opinyon ng fans dahil naaliw din ako sa TV commercial nina Mama Vi at Luis.

Hindi idine-deny ni Mama Vi ang pagi­ging senior citizen pero hataw pa rin siya sa pagsasayaw as in daig na daig niya ang ibang mga young star. Kinaiinggitan si Mama Vi dahil parang hindi siya nagkakaedad at tila na-discover niya ang fountain of youth.

Bongga talaga si Mama Vi kaya bagay na bagay sa kanya ang title na Star for All Seasons.

Pati nga si Manay Ichu Maceda, hindi napigilan ang sarili na magpadala ng text message kay Mama Vi dahil sa sobrang happiness. Ramdam na ramdam kasi sa commercial ang genuine love nina Mama Vi at Luis para sa isa’t-isa.

Dalaginding na anak ni Paolo binubuyong mag-showbiz

Congrats sa Regal Entertainment Inc. dahil P5.5 million ang kinita ng My 2 Mommies nang magbukas ito sa mga sinehan noong May 9.

Siyempre, maligayang-maligaya si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle dahil sa mainit na pagtanggap ng moviegoers sa pelikula nina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros.

Must-see movie naman talaga ang My 2 Mommies dahil sa mga moral lesson na matutunan.

Nakuha rin ng pelikula ang suporta ng LGBTQ community dahil tinalakay sa My 2 Mommies ang relasyon ng dalawang mhin na nagmamahalan at ang mga conflict ng pagkakaroon ng anak ng isang gay.

Sa tunay na buhay, may anak si Paolo sa kanyang ex-girlfriend pero hindi complicated ang relasyon niya sa mag-ina.

Maganda ang anak ni Paolo kaya puwede pa rin siya na magkaroon ng modeling career sa Pilipina at malay natin, baka type rin niya na pumasok sa showbiz tulad ng tatay niya na bonggang-bongga ang takbo ng career.

LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with