^

Pang Movies

Sarah sa mga namimilit na mag-asawa na siya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sarah sa mga namimilit na mag-asawa na siya
Sarah Geronimo

‘Kausapin ninyo ang nanay ko’

May isang fan na nagkuwento sa social media tungkol sa nangyari sa concert ni Sarah Geronimo sa Amerika. Habang may sinasabi raw spiel ang singer, may isang nanay na sumigaw at sinabing “mag-asawa ka na”. Nakangiti naman daw si Sarah at pabirong sinabing “kausapin ninyo ang nanay ko”.

Marami ang pumuna na sa edad daw ni Sarah ngayon, na hindi na naman siya teenager at malapit na nga siyang lumampas sa kalendaryo, mukhang hindi na raw tama na ang nanay pa niya ang gumagawa ng desisyon para sa kanya. Pero kung kami ang tatanungin, kasi nasa up bringing iyan ng isang bata. Usually, iyong mayayaman, iyong mga kabilang sa oligarkiya, ang mga anak ay pinalaking independent. Iyon bang sistemang kano. Basta marunong na iyang magbihis at maligo nang mag-isa, maaari nang gumawa ng sariling desisyon iyan. Basta umasa pa sa magulang, sasabihing abnormal iyan.

Pero para roon sa lumaki sa simpleng pamumuhay, iyong hindi gaanong mayaman, ang mga bata ay nakasandal talaga sa kanilang mga magulang. Lahat ng desisyon niyan, kahit na matatanda na itinatanong pa rin sa magulang o sa mga nakatatanda. Kasi doon sa mga hindi saksakan ng yaman, napakahalaga ng family ties. Basta iyan gumawa ng desisyon na hindi gusto ng magulang, suwail ang tawag diyan.

Kilala naman natin ang buhay nila Sarah. Kaya hindi natin masasabing mali ang kanyang sinasabi. Depende kasi iyan sa values na nakagisnan ng isang tao talaga. Kung malakas ang family ties sa isang pamilya, natural lang ang mga ganyang katuwiran.

 Star Cinema nabura na ang sama ng loob kay Derek

Mukhang relaxed na relaxed na nga si Derek Ramsay nang dumating at humarap sa media noong press conference ng kanyang pelikulang Kasal. Ngayon kasi, hindi man masabing nagbalik na siya sa kanyang dating network, wala naman siyang commitment sa iba.

May panahong nagka-initan din si Derek at ang Kapamilya network.

Natatandaan namin, may isang pagkakataon na ang Star Cinema ang naging distributor ng isang pelikulang kasama si Derek, at malaki ang kanyang role sa pelikula. Pero pumayag lamang ang Star Cinema na i-distribute ang pelikulang iyon ng isang independent producer kung aalisin ang pangalan ni Derek sa poster ng pelikula, at aalisin din ang mga eksena niya sa trailer. Iyon ‘yung panahong matindi ang samaan nila ng loob.

Kasi ang feeling nga ng ABS-CBN, sila ang namuhunan nang husto kay Derek. Talaga namang napasikat siya noon at kinikilalang isa sa mga nangungunang leading men. Maski sino ang itambal sa kanya, nagiging hit ang pelikula. Eh tapos naisip naman niya na magandang career move iyong magkaroon ng pagbabago, kaya lumipat naman siya sa TV5. Doon nagalit sa kanya ang dati niyang network.                                                      

Noon ang akala nila it’s the end of the line, pero sa pagdaraan ng panahon at talagang lumilipas iyang sama ng loob, hanggang sa gumawa nga ulit ng pelikula sa Star Cinema si Derek, at ngayon nga ay may bago na naman siyang project. At hindi lang basta project, malaking proyekto ang pelikulang iyan na ipinadirek pa mismo kay Ruel Bayani. Iyang si direk Ruel naman, minsan na nga lang nakakagawa ng pelikula, dahil business unit head na siya sa ABS-CBN, kaya basta gumawa iyan ng pelikula, siguradong malaki talaga iyon.

Isa lang naman ang sinasabi ni direk Ruel kung bakit napili nila si Derek. “Talaga namang competent actor siya. Mahusay siya ano man ang sabihin ng iba”. Tama si direk, kung kahusayan nga ang pag-uusapan, mapipili mo talaga si Derek.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with