Kiko Estrada
Kiko nagluluksa pa rin!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 8, 2018 - 12:00am

Bagama’t sobrang busy si Kiko Estrada dahil sa kanyang ginagawang dalawang pelikula, ang My Stepmother’s Lo­ver with Sunshine Cruz, and Walwal, with Jerome Ponce and Elmo Magalona, plus kasama rin siya sa My Guitar Princess na pinagbibidahan naman ni Julie Anne San Jose kasama si Gil Cuerva, ay ‘di pa rin daw siya masaya. Nagluluksa pa rin kasi siya sa pagkawala ng kanyang Lola Nena, ang asawa ng kanyang lolo na si Paquito Diaz. They are his Mom’s former actress, Cheska Diaz, parents.

“I grew up with them,” ani Kiko . “Since open book naman na ‘di nagsama ang mother ko at father ko.

Kiko’s Dad, of course, is actor-turned politician and now making a comeback in showbiz, Gary Estrada.

On both side of Kiko’s families, hitik siya sa rami ng relatives na magagaling sa larangan ng showbiz at politics.

On his mother’s side, halimbawa, a­nother character actor excelled.

And this is the late Romy Diaz, younger brother ng kanyang Lolo Paquito.

Si Joko Diaz na madalas mapanood sa high rating action series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin ay kanyang uncle.

Alam din ng lahat na lolo rin niya ang award-winning performer na si late George Estregan na tatay naman ni Gary Estrada.

Nakababatang kapatid si George ng aktor na naging dating presidente ng Pilipinas at ngayon ay Mayor na ng Manila, si Joseph Estrada.

Pinsan niya ang dating Senador na si Jinggoy Estrada at Senator JV Ejercito.

Uncle ni Kiko ang dating Governor ng Laguna, si ER Ejercito.

Asked if, in time, he sees himself ‘embracing’ politician, like some of his relatives, Kiko quickly replied: “Let me first focused on my showbiz career.

“And to repeat din, get over kung anuman itong lungkot na nararamdaman ko, dala ng pagkawala ng aking Lola Nena.

“Sana, tulungan n’yo akong ipagdasal siya, kung saan man siya naroroon ngayon,’ patuloy ni Kiko.”

Well, Kiko, we will do.

Habang waiting sa pramis ni Vice, Joven Olvido balik sa pagiging driver!

Grabe ang impact na ginagawa ni Joven Olvido, tricycle driver ng Sta. Cruz, Laguna, mula nang mag-emerge runner up siya sa katatapos na Pilipinas Got Talent : The Greatest Showdown, kung saan ang nanalo ay single mom na si Kristel de Catalina.

Kung ilang popular shows nang ABS-CBN ang na-feature siya bilang guest, kasama na rito ang sa Magandang Buhay at kahapon, Monday, ipinakilala ng tatlong host na sina Karla Esrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang ka-live partner ni Joven for five years now si Charlene.

Kasama ni Joven ang ilan sa mga fellow tricycle drivers niya sa nasabing show, na ang common request kay Joven ay huwag itong magbago.

Nag-guest din si Joven sa Tonight With Boy Abunda (TWBA).

Nung nakaraang linggo naman ay nasa Gandang Gabi Vice siya kasama sina Julius at Rhea na nakasama rin niya sa PGT.

Maliban sa pagbibigay sa kanya ng bagong tricycle, ipinakiusap din siya ni Vice sa Star Cinema para makasama niya sa movie niya for the upcoming Metro Manila Filmfest 2018.

Joven, in the presence of Vice, na dalangin niya ay magka-totoo.

In the meantime magpapatuloy siya sa pag ‘padyak’ ng bagong tricycle na bigay ni Vice, para dalhin sa kung saang destinasyon sa Sta. Cruz, ang bawat pasaherong sasakay sa kanya.

KIKO ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with