^

Pang Movies

American actor na si Cole Sprouse nag-sorry sa paninira sa ‘Manila’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
American actor na si Cole Sprouse nag-sorry sa paninira sa �Manila�
Cole Sprouse

Hindi na bago sa atin iyong may mga nagtutungo sa a­ting bansa, tapos sinisiraan tayo. Isa riyan ang aktres na si Claire Danes, na nagtungo sa ating bansa para sa shooting ng isa niyang pelikula. Nang magbalik sa kanilang bansa, ang sinasabi niya ay “maraming ipis” sa Pilipinas at napakarumi. Bakit wala bang ipis sa bayan nila? Sa Amerika nga laganap pa ang surot hanggang ngayon eh.

Iyon namang nobelistang si Dan Brown, doon sa libro niyang Inferno na isang fiction na kanyang ginawa, iyong bida ay nagtungo sa Maynila, at nagsa­bing dito sa atin “laga­nap ang kahirapan, ang basu­ra at ang prostitusyon maging ng mga bata.” Idinagdag pa niyang “nakita ko ang pinto ng impiyerno”.

Hindi naman natin itinatanggi na may mga naghihikahos sa ating bayan. Third world nga tayo eh. Laganap naman talaga ang basura sa ating mga lungsod. Tinapunan pa nga tayo ng basura ng Canada eh. Pero iyang mga dayuhan na nagtutungo rito, sinasalubong natin nang maayos tapos sinisiraan ang ating bansa ay hindi natin dapat kunsintihin.

Ngayon may bago na naman, ang actor at photographer na si Cole Sprouse, na narinig naming nagtungo lang dito sa ating bansa bilang bahagi ng promotion ng isang garment brand. Nag-ikot daw ito rito sa atin at kinunan ng pictures ang basura, ang laganap na kahirapan sa isang slums area, at kung anu-ano pang hindi maganda para sa imahe ng ating bansa. Tapos inilabas niya iyon sa kanya mismong social media account.

Nakakainis lang. Binigyan nila iyan ng magandang pagsalubong. Pati mga artista natin sinalubong pa iyan, tapos ganoon lang pala ang gagawin sa ating bayan. Sisiraan lang pala tayo.

Sabi nila nag-sorry naman daw, pero inalis ba ang nakalagay sa kanyang social media account? At kung alisin man, ilang milyon na ang nakakita noon sa buong mundo? Tapos iyang ganyang klase ang hahangaan ninyo? Iyang ganyang klase ang pakikinggan ninyo ang mga endorsements?

Aywan lang, kasi kami ang nakamulatan naming turo, igalang mo kung sino man ang tinuluyan mo. Iyang mga ganyan, aywan lang kung ano ang natutuhang asal.

KC Montero nabuwisit sa paghuhubad nina Troy at Aubrey, ma-dikya raw sana ang ano nila!

Walang pakialam sina Aubrey Miles at Troy Montero sa ginagawa nilang paghububad saan man sila magpunta.

Naunang nangyari iyan sa isang private resort sa Batangas, tapos ngayon naman ay sa Coron, Palawan. Wala naman sanang problema kung ibilad man nila ang katawan nila, pero inilalabas nila iyon sa social media. Ganoon man wala pa rin kaming pakialam, dahil hindi nila kami follower.

Pero ang natawa kami ay iyong obserbasyon ni KC Montero, na nanawagan pa sa nanay nila na kagalitan ang kuya niya dahil sa ginagawang ganoon. Mayroon pa siyang comment, “sana makagat ng dikya iyang mga ‘ano’ ninyo”.

Ano nga ba ang intensiyon niyang sina Aubrey at Troy na kung kailan pa nagsitanda at saka naghuhubo’t hubad sa social media?

Lumang sex scandal ng aktor, nagkalat na rin

Aywan kung papaano pang nabungkal ang isang luma nang sex scandal ng isang male star na ginawa niya noong bata pa siya, eh ngayon matanda na siya at hindi na siya halos lumalabas sa pelikula man o sa telebisyon.

Pero iyan talaga ang peligro ng mga taong nagkakamaling gumawa nang ganyan. Kahit na anong tago, darating ang isang araw na lalabas at lalabas din ang lahat nang iyan. Ang masakit kung kailan sumikat na at saka naman sumisingaw ang mga ganyang usapan.

vuukle comment

COLE SPROUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with