_pang-masa
^

Female starlet parang baboy ang asal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 29, 2018 - 12:00am

Sobrang shocked ang staff ng isang teleserye sa pagiging salaula ng female starlet na kasama sa cast.

Noong una nilang nakita ito sa set ay kung makaasta ay napakasosyal at mukhang metikulosa.

Mga designer bags pa ang bitbit ng kanyang yaya. Pero sa totoo lang pala ay daig pa nito ang asong kalye dahil sa mga kalat na iniiwan nito sa loob ng dressing room.

Magkakasama nga sa iisang dressing room ang female cast ng naturang teleserye. May kanya-kanya silang espasyo. Doon pa lang daw ay makikita mo na ang pagiging burara ng female starlet dahil nagkalat ang mga pinag-inuman nitong mga bote ng tubig, lata ng softdrinks at mga plastic na nanggaling sa mga kinain niyang chips, cookies at candy.

Ultimo ang mga dispo­sable na mga pinagkainan niya ay nakakalat sa paligid niya.

Pinagtataka naman ng staff at pati na ng mga kasamahan ni female starlet ay kung bakit hindi man lang mag-effort ito na itapon ang sarili niyang mga basura sa trash can na malapit lang sa pintuan ng dressing room nila.

Kung tinatamad siyang tumayo, sana ay may sarili siyang trash bag para doon niya ilagay ang mga basura niya ay hindi ito nakapaligid sa kanya.

“Jusko, pasosyal pa ito, eh baboy naman pala sa paligid niya,” sey ng aming source.

“Paingles-ingles pa kiyeme, pero dugyot naman!

“Naiimbiyerna tuloy ang mga kasama niya sa dressing room. Kasi ang baboy niya!

“Kung dito nga lang sa dressing room na may kasama siya, makalat na siya, what more kung sa sarili niyang kuwarto sa bahay nila?

“Siguro kabundok na ang mga basura niya. Feeling ko, best friend niya mga daga at ipis.

“Hindi talaga makikita sa panlabas na anyo ang totoong kulay ng isang tao. Nasa ginagawa niya nakikita,” pagtatapos ng aming source.

Paris Hilton atat nang mabuntis!

Hilig na pag-usapan na nga­yon ng Hollywood socialite na si Paris Hilton ay ang kanyang pagpapakasal this year at ang possibility na magkaroon na siya ng baby next year.

Na-engaged si Paris noong nakaraang taon sa aktor na si Chris Zylka habang nagbabakasyon sila sa Aspen, Colorado.

Eight years na niyang kilala ang fiancé pero two years pa lang daw silang nagde-date bago ito nag-propose sa kanya.

“We are on a mountain skiing and he literally just surprised me with this ring and it was one of the most romantic moments of my life,” sey ni Paris.

Kung magkakaroon na raw sila ng baby next year, gusto niya ay babae at papangalanan niya itong London.

“I’ve always wanted to be a mom. True love is a great fit.

“I’ve never felt happier. I’ve never felt like I’m in a better place

“I finally feel like an adult. I’m loving life,” pagtapos pa ni Paris Hilton.

 

PARIS HILTON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with