Kiko hindi pa tanggap na may cancer ang lola!
Kiko hindi pa tanggap na may cancer ang lola!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 28, 2018 - 12:00am

Masayahin si Kiko Estrada at palangiti kapag kausap mo, pero pansin ang lungkot niya bago pa nagsimula ang mediacon ng bago nilang morning musical romantic-comedy series na My Guitar Princess na magtatampok din kina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva, sa direksyon ni Nick Olanka.

Kaya after the presscon, natanong si Kiko, bakit parang malungkot siya, to think na sunud-sunod ang movies na ginagawa niya at ngayon nga may bago siyang rom-com series.

Medyo naluha pa si Kiko nang ikuwento niya na malungkot siya dahil ang Lola Nena Diaz niya, wife ng kanyang namayapa na ring Lolo Paquito Diaz ay may stage 4 pancreatic cancer.

“She’s more than 70 years old now, at mabuti noong dalawin ko siya the other day, masaya siya nang makita ako at naisayaw ko pa siya,” sabi ni Kiko. “Siyempre po, hindi kami dapat magpakita na malungkot kami, pinasaya ko siya, kinuwentuhan ko na marami akong projects ngayon at may bago nga akong teleserye sa GMA 7.?”

Mayaman na kuripot ako sa story as Justin, confidante ako ni Celina (Julie Anne) na mai-in love with her ang role niya sa bagong morning musical rom-com ng GMA 7.

“Masaya po ang aming set, lagi kaming nagkakantahan. First time kaming magtatambal ni Julie Anne at she’s very professional sa trabaho.  First time ko ring makakasama si Gil at magkakaroon yata kami ng summer scenes sa swimming pool.”

Ang My Guitar Princess ay mapapanood na simula sa May 7, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga.

Romnick tinanggihan si Sheryl!?

Nabalita noon na ang dating ka-love team na si Romnick Sarmenta ang magiging asawa ni Sheryl Cruz sa My Guitar Princess. Pero bakit hindi ito natuloy? Sa kanya naman daw ay walang problema, pumayag siyang muling makasama si Romnick, pero hindi raw niya alam kung ano ang nangyari. 

Hindi raw siya tumatanggi sa trabaho, lalo na at alam niyang matagal na silang hinihintay ng fans nila.  Muli raw silang nagtambal noon ni Romnick at ngayon lamang ulit may offer at hindi nga raw niya tinanggihan.  Pero sa story ngayon, biyuda siya at against siya sa pagtugtog ng gitara at pagkanta ni Celine.

KIKO ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with