^

Pang Movies

Ryan at Juday ginalingan ang pagluluto sa Italy

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ryan at Juday ginalingan ang pagluluto sa Italy
Ryan Agoncillo at Judy Ann

Nagpasiklab ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa nakaraang biyahe nila sa Italy. Hindi lang pasyal at kain ang rason ng biyahe nila sa ibang bansa.

Sa Instagram post ni Juday, kapwa nila ipinagmalaki ni Ryan ang Certificate of Proficiency in Italian Cuisine na nakuha nila mula sa Food & Wine Academy sa Florence, Italy. “Achieved classmate! #gelato #pasta #bolognese #tiramisu,” caption ni Juday.

Congrats, Ryan and Juday!

Kiko mas gustong dyowain ang trabaho

Isasabong sina Julie Anne San Jose, Gil Cuerva at Kiko Estrada sa love triangle nina Robin Padilla, Richard Yap at Jodi Sta. Maria dahil ang musical-drama nilang My Guitar Princess ng GMA News & Public Affairs ang papalit sa Ang Forever Ko’y Ikaw simula sa Mayo 7.

Komo after her rumoured boyfriend na si Benjamin Alves ang huling nakatrabaho niya, kumusta naman ang working relationship ni Julie Anne kina Kiko at Gil na bumu-borta rin ang katawan?

“Masaya po silang katrabaho. Actually wala akong time na nahirapang magtrabaho with them. Si Gil, nakatrabaho ko na siya before sa mga guesting. Si Kiko, first time naming mag-work together.

“Saka sobrang light ng set namin, on and off cam. Sobrang masaya lang po. Saka marami kaming natututunan sa isa’t isa. Walang araw na mabigat. Kahit pagod kami, parang nawawala ‘yon,” pahayag ni Julie Anne sa mediacon ng pelikula.

Nagkasama naman sila ni Kiko sa isang eksena sa Pepito Manaloto. May pasimple ba siya sa kanya?

“Makulit po siya pero wala siyang pasimple! Ha! Ha! Ha!” saad ng Asia’s Pop Sweetheart.

Eh si Kiko naman, mukhang sunud-sunod ang big breaks niya sa GMA, huh! Tapos, may Walwal movie pa siya sa Regal Entertainment.

“I love movies and I love TV work and I love doing quality shows and this one is a quality show. So I’ m blessed to be part of this stellar cast,” rason ng Kapuso hunk.

Dahil ba ‘yon sa wala siyang babae sa buhay ngayon kaya winner ang career niya?

“I love my job! Ito ang mahal ko. Ito ang girlfriend ko ngayon!” deklara ni Kiko.

vuukle comment

JUDY ANN

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with