^

Pang Movies

Ouch… Heart first choice sa role ni Kris sa Crazy Rich Asians!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ouch� Heart first choice sa role ni Kris sa Crazy Rich Asians!
Heart Evangelista

Walang nag-confirm tungkol sa role ni Kris Aquino sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians dahil sa confidentiality clause na pinirmahan ng mga invited sa VIP screening ng pelikula noong April 24.

Basta ang sigurado, hindi raw na-edit ang dalawang eksena ni Kris sa Hollywood movie na matagal pa ang showing sa mga sinehan.

Sure na sure naman ang mga nakabasa ng libro ni Kevin Kwan na prinsesa na bisita sa isang bonggang wedding ang role ni Kris. Si Kevin ang author ng Crazy Rich Asians na isinalin sa pelikula ng Warner Bros.

Kinunan sa Singapore ang mga eksena ni Kris na nagdala ng maraming damit at ng sariling glam team.

May tsismis noon na si Heart Evangelista ang dapat na gaganap na prinsesa dahil nakapasa siya sa audition para sa Crazy Rich Asians pero tumanggi na magsalita ang kampo niya.

Perfect din si Heart para sa princess role dahil mukhang prinsesa talaga siya at tulad ni Kris, pareho sila na mahilig sa mga bonggang damit. Come to think of it, kapwa February 14 ang birthday nina Heart at Kris.

Alfred malabong tsugihin sa KK

Bakasyon grande sa Amerika si Alfred Vargas at ang pamilya niya.

Umalis ng Pilipinas ang Vargas family noong Martes at bukas, April 28, ang umpisa ng Disney cruise nila.

Nagpunta muna sa Los Angeles sina Alfred, Yasmine at ang kanilang dalawang anak bago sila lumipad bukas sa Florida.

Ipinasyal muna ng mag-dyowa sa Universal Studios ang mga bagets na enjoy na enjoy dahil kasama nila ang kanilang mga magulang.

On leave si Alfred sa Kambal Karibal dahil two weeks siya na mawawala sa Pilipinas para sa US trip nila. Magte-taping uli si Alfred para sa mga eksena niya kapag nakabalik na sila ng kanyang pamilya mula sa Disney cruise. Hindi puwedeng tsugihin ang karakter ni Alfred sa Kambal Karibal dahil importante ito sa kuwento ng humahataw sa ratings na primetime show ng GMA 7.

Willie sinadyang ibigay ang mega jackpot sa mga kasambahay at houseboy!

Nakuha ng tatlong pares ng mag-dyowa na kasambahay at houseboy ang mega jackpot ng Wowowin noong Miyerkules.

Isang milyong piso, house and lot at brand new car ang mga napanalunan ng mga lucky contestant.

Ang televiewers ang namumroblema dahil paano raw hahatiin ng mga nag-win ang premyo?

Dyuskoday, huwag n’yo nang problemahin ang hatian na gagawin ng mga nanalo dahil mas importante na hindi sila umuwi na luhaan.

Marami ang napaiyak nang mag-win ang lovers na kasambahay at houseboy dahil feel na feel ng lahat ang umaapaw na kaligayahan nila.

May mga suspetsa na sinadya ni Willie na papanalunin ang mga contestant dahil gusto niya na magkaroon sila ng bagong pag-asa sa buhay.

Umabot kasi sa P300,000 ang tawad ni Willie at mabuti na lang, hindi nagpasilaw sa datung ang mga contestant or else, hindi nila mage-getlak ang isang milyong piso, kotse at house and lot.

Actually, muntik nang piliin ng mga kalahok ang P250,000 na offer ni Willie pero nagbago ang kanilang desisyon.

Na-feel ng mga contestant na insistent ang television host na kahon ang kanilang piliin at hindi sila nagkamali.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with