Lahat na lang Kris pinatulan si Loisa; JoshLia movie iniba na ang title!
Ang poser naman o ang fake account ni Loisa Andalio ang pinagdiskitahan ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Paano nga kasi, binash din siya nito at tinawag pa siyang “insane”.
Ang nasabing account ay may handle name na @iamandolioloisa na pareho rin actually ng handle name na ginagamit ng totoong Loisa Andalio.
Ipinost ni Kris ang comment sa kanya ng pekeng Loisa “Ms. @krisaquino when was the last time you had a pyschiatric check?”
Hindi naman ito pinalampas ni Kris at sinagot niya ang basher.
“I know you want to get some attention BUT girl- you work for it & you earn it. Minamaldita mo ko but i feel that you are younger than my oldest so i have made it a policy to not bully children. You will mature & experience life, then let’s have a sensible conversation. Because i #walkthetalk,” ang sagot ni Kris.
Ipinost ng aktres/media influencer ang nasabing fake account katabi ng totoong account ni Loisa.
“I am posting this so that we may all be aware of #fakeaccounts & #identitytheft. This “creature” dared to further comment “your insane” (hindi pa marunong ng difference ng YOU’RE & YOUR) & inaagawan pa yung totoong Loisa ng pagkatao. Because of this i am FOLLOWING THE TRUE LOISA,” caption ni Kris at dinugtungan ng mga hashtags na #laban, #exposethefakes at #owningmythrone.
Sa mga sumunod na posts naman ni Kris ay makikitang nagsimula na siya ng shooting kahapon ng comeback movie niya sa Star Cinema kasama ang JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto)
Sa kanyang latest post ay pinuri-puri niya ang JoshLia na parehong nilapitan siya at bumati sa kanya.
“I have a feeling we have a new title... 1st day & i must commend @garciajoshuae - as soon as i arrived, lumapit sya agad & may cute kwentuhan na kami... @juliabarretto finished taping late for the pilot of the new #joshlia soap- bagong ligo, alam kong pagod- pero ang beautiful pa rin & as soon as she arrived NAKANGITING bumati & good vibes ang dala. #lovelovelove,” ang caption ni Kris.”
So babaguhin nga kaya ang title ng movie nila ang original title ay I Love Hater?
Anne masaya na sa pagtuturo
Bagama’t hindi na gaanong aktibo sa showbiz ang dating aktres na si Anne Villegas, sobrang busy naman siya working behind the stage at enjoy na enjoy siya rito. She’s now an actress/stage director dahil acting coach na rin at nagko-conduct ng acting workshops sa GMA network.
Bukod dito, nagma-manage na rin ngayon si Anne ng mga talents, na ang karamihan sa kanila ay lumalabas na sa ilang serye ng GMA-7 at ABS-CBN, maging sa mga teatro at pelikula.
Kaya naman itinatag ni Anne Villegas ang Light of Life (LOL) Talent Management. Kamakailan lang ay ini-launch ang 20 LOL talents via a musical show na ginanap sa Wilcon Mall sa QC.
May acting coach, dance coach, modeling coach at voice coach na nag-aalaga sa mga Light of Life talents. Lahat sila, nag-aaral kahit may mga TV guestings at pelikula.
- Latest