^

Pang Movies

Cherie naloka sa maling spelling ng pangalan sa Single/Single!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Cherie naloka sa maling spelling ng pangalan sa Single/Single!
Cherie Gil

Sa presscon ng Single/Single: Love Is Not Enough movie na produced ng Cinema One at Philippine Star TV, wala ang isa sa main supports na si Cherie Gil, kaya inusisa namin ang head ng nasabing cable channel, si Ronald Arguelles.

“Nasaan ang kapatid mong si Lavinia (Arguellas, ang character na pinasikat ni Cherie sa Bituing Walang Ningning na nag-dialogue sa character ni Sharon Cuneta ng, “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat!”)?” birong tanong namin kay Ronald.

“Wala, may work siya. Nag-react nga, tumawag sa akin dahil sa spelling ng name niya sa trailer ng Single/Single, namali kasi, naging double R. Ganoon naman si Cherie, magre-react ‘yan kapag mali ang spelling ng name niya.

“Pero napa-edit ko na, tama na!” sabi ng Cinema One big boss.

So, malinaw, may work si Cherie kaya wala siya sa presscon ng Single/Single: Love Is Not Enough at hindi dahil namali noong una ang spelling ng name niya sa trailer, huh!

Naalala tuloy namin na nagre-react ang isang veteran action star kapag nagkakamali rin ng spelling ng kanyang pangalan.

Eh, si senior action star naman, double naman ‘yung isang letter sa name niya at may iba na nagkakamali na nasi-single lang ‘yon, kaya sinasabihan niya.

Actually, pati nga kay Carmina Villarroel ay may ganyang problema.

John feel na feel na ang pagiging Kapuso!

Nagsimula nang ilibot ng GMA 7 sa kanilang shows si John Estrada. Last week, nag-taping si John ng dalawang episodes ng Celebrity Bluff na iniho-host ni Eugene Domingo at siya ang Master Bluffer na ang first episode ay ipapalabas sa Saturday.

Sa Friday naman, isa siya sa judges para sa finals ng segment ng isang game show ng Kapuso network at makakasama pa niya roon ang ilang executives ng TV network.

So, very Kapuso na talaga si John after niyang umalis sa ABS-CBN dahil sa naging issue sa kanila ni Mylene Dizon sa nagtapos na series na The Good Son.

Gina pinanggigigilan ng fans ni Yasmien!

Naku, ewan kung matutuwa ba si Gina Alajar sa komento ng ibang viewers ng afternoon series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Sabi kasi nila, mabuti na lang daw at hindi kasama sa suicide attempt scene ng character ni Yasmien Kurdi ang bruhildang mother-in-law sa series na ‘yon, or else, baka natuluyan ang suicide na ‘yon dahil tiyak daw na itutulak ni Gina si Yasmien.

Hahaha! Affected nga ang fans ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with