Santacruzan 2018 sa Binangonan inaabangan na!
(Pang-masa) - April 25, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaabangan na ng mga Pinoy ang buwan ng Mayo dahil sa tradisyon ng Santacruzan kung saan pumarada ang mga naggagandahang sagala at nagguguwapuhang konsorte sa iba’t ibang komunidad.

At sa ganitong okasyon, nagtatagisan ang mga mahuhusay na fashion designers sa kani-kanilang dinisenyong kasuotan.

Sa ika-43rd taon na pagdiriwang ng Santacruzan sa Bgy. Libid Binangonan, Rizal, muli itong pamama­halaan ni Gomer O. Celestial, kasama sina Bgy. Chairman Willie Cenal, John Jerusalem, Rico Colestial, Carlos Mesa, Leonardo Celestial, Gil Anore, Edgar Flores, Armin Arada, mga kagawad.

Ngayong taon, magbibigay kulay at sigla sa nasabing pagdiriwang ang bagets aktres na si Kyline Alcantara ng Kambal Karibal bilang Reyna Elena at and print ad commercial model at Star Magic Circle Patty Mendoza bilang Queen of May 2018

Gagamitin nila ang gown na nilikha ng designer na si Rhemil Cerda. Sina John Robert Lobaton at JP Santos Arabit naman ang kanilang mga konsorte. Ito ay lalahukan din ng mga piling dilag ng nasabing bayan na pangungunahan ng mga nagwaging Mr. and Ms. Teen Binangonan 2018. Ito ay gaganapin sa Mayo 6, 2018, 7:00 pm.

Ang Santacruzan ay naisakatuparan sa pakiki­pagtulungan nina Engr. Joel at Matet Gavino, Amelia Celestial, Leny Aramil Arago, Edna Del Rosario, Luz Villones, Sergio Blanco, Victor Santos, Molly Arada, Club 109 Riders, at mga Bgy. Tanod para sa kaayusan ng prusisyon sa pamamahala ni Kagawad Aga Anore.

SANTACRUZAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with