Coco
Bahay at lupa ni Coco nakakalula ang lawak
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - April 25, 2018 - 12:00am

Saludo kami kay Coco Martin na may bansag na Little FPJ, na parang nakatatak na kay Coco at sa buong katauhan nito dahil sa pagganap niya sa TV series ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probin­syano na isa sa top-rated show ng network.

‘Di mo ba alam, na banggitin mo lang ang pangalan niya ay tilian na ang mga die hard fans at kahit bata, matanda, babae, lalaki, lolo, lola, bakla, tomboy, ay iniidolo si Fernando Poe, Jr. kahit na deadbol na siya. E, kasi kaya kami hanga at saludo kay Coco, nakita namin ang kanyang mansyon in Quezon City na nakatayo sa napakalawak na lote, nakakalula sa laki at ganda, simoy probinsya, dahil napapaligiran ng iba’t ibang punong kahoy, halamang baging, halamang gulay, halamang herbal at iba pa.

Ang swimming pool wow sa laki! parang dagat, kulay asul ang tubig, kahit lagpas sa 50 katao ang sabay-sabay na maglunoy okay na okay. Kaya malaki ang bahay ni Coco ay dahil, hindi lang siya ang nakatira doon, kundi ang buong pamilya niya, pinsan, kaibigan at mga taong napamahal na sa kanya na nakatulong sa kanilang pamilya, sila ang mga kasama niya with their families.

In other words, hindi pala maramot si Coco, kaya naman ang biyaya ng Diyos ay maamo sa kanya.

Dahil sa mister na namatay, dating seksing aktres ubod na ng yaman

Isa pang pinupuri ko ay ang napaka-ganda at seksing aktres during her time, kahit saan mo tingnan napakaganda niya. Morena, mabait, marespeto. At naging best actress ng isang prestigous award giving bodies. Maaga lang nagretiro sa showbiz. Parang na frustrate sa kanyang first love sa is showbiz guy. Nagka-anak siya ng isang pogi na professional na rin ngayon. Hiwalay na sila ng naging husband niya noon. Nag-asawa ulit si aktres, ang maganda, ginamit ang utak. Super rich ng old guy at nagkaanak din siya ng isang girl. Hindi na siya nag-artista. Imagine, sa isang big unit ng condo nakatira. Nagkasakit ang rich hubby at namatay. Dayy!lahat ng kayamanan sa aktres ipinamana, milyones na datung sa bangko, mga negosyo at iba pa nakapangalan sa aktres at sa only daughter.Ang sarap ‘di ba? Good girl naman kasi si aktres at naging faithful wife sa husband. Wala na daw siyang plano na mag-asawa pa, kasi busy siya sa business niya sa real state at sa mga ready to occupy condo at mga row houses

Barangay SK sa buong ‘Pinas, di na magkanda-ugaga!

Parang may malaking event na darating sa bansang Pilipinas. Well, ‘wag dedmahin, kasi sa darating na Mayo na ang eleksyon ng Punong Barangay or Barangay Captain at ng kanilang kapartido. Ganoon din eleksyon ng SK or Sangguniang Kabataan.

Sa amin dito sa Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna, na ang Mayor ay si Dan Fernandez ang running Bgy. Captain for 3rd times ay si Peping Cartano na very reliable person, maasahan, bukas palad ang buong staff niya sa mga humihingi ng tulong. Sila ang Barangay with smiling face, ke madungis ka or mabantot welcome ka sa office na kumpleto na ang mga sangay para sa hahanaping tao, specially DSWD, Brgy Tanod, Police Force, Means and Waste at iba pa. Napili rin ng Eat Bulaga ang nasabing Barangay (Brgy. Dila, Sta Rosa, Laguna) sa kanilang monthly selection ng Best Barangay.

COCO MARTIN
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with