Kiko
Kiko gustong iwasan ang paghuhubad!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 25, 2018 - 12:00am

Mas gusto ni Kapuso hunk Kiko Estrada na makilala siya bilang isang versatile actor kesa sa isang hunk na laging nakikitang topless sa mga magazines, billboards at social media.

Pero malaki naman ang pasasalamat ni Kiko na recognized ang hard work na nilalagay niya sa kanyang pisikal na kaanyuhan, kaya naman isa siya sa napiling Mega Man Best Bodies 2018 kung saan nakasama pa niya ang ilang Kapuso hunks na sina Derrick Monasterio, Jak Roberto at David Licauco.

“I go to the gym four times a week because I have work which requires me to be buff. I do a couple of push ups and diet,” diin pa niya.

Pero in the long run, gusto nga ni Kiko na makilala din ang husay niya bilang artista. Naipakita na niya iyon sa pinagbidahan niyang teleserye na Sinungaling Mong Puso at nasundan iyon ng kontrabida role sa Mulawin vs. Ravena.

Ngayon ay isang boy-next-door image naman ang image niya sa upcoming teleserye niya with GMA-7 na My Guitar Princess kunsaan leading lady niya si Julie Anne San Jose.

Mate-test din ang versatility ni Kiko sa dalawang pelikulang ginagawa niya. Bilang millennial dude sa pelikulang Walwal ni Jose Javier Reyes at sa sexy drama na My Stepmother’s Lover ni Adolf Alix.

Chris Pratt at Anna Faris, magkaibigan pa rin para sa anak

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang Hollywood star na si Chris Pratt tungkol sa divorce nila ng estranged wife niyang si Anna Faris kung kanino meron siyang isang anak named Jack.

August 2017 noong gulatin ng Hollywood couple na maghihiwalay na sila pagkatapos ng walong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Nanatiling magkaibigan ang dalawa at naging co-parent sa anak nila.

Dahil sa hectic schedule ni Chris na ginagawa ang dalawang pelikula ng sabay (Avengers: Infinity War and Jurassic World: Fallen Kingdom), naiwasan niya ang media para mapag-usapan ang divorce nila ni Anna.

Nag-file si Chris ng divorce papers noong December 2017 at sumunod na rin si Anna na nag-file pagkatapos ng ilang araw lamang.

 

KIKO ESTRADA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with