Kakulitan ni Yasmien matagal nang sinukuan ng manager!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 25, 2018 - 12:00am

Tinutulungan pa rin naman ni Manay Lolit Solis ang career ni Yasmien Kurdi kahit matagal na niyang sinukuan ang kakulitan nito. Consultant pa rin naman daw siya pero hindi na siya nakikihati sa komisyon ng mga kinikita ng Starstruck alumna.

Ang mister pala ni Yasmien na isang piloto, si Rey Soldevilla, Jr., ang co-manager ng GMA Artist Cen­ter sa career ng bida ng afternoon series Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

So, parang si Aljon Jimenez lang pala ang drama ng mister ni Yasmien, huh!

Si Aljon kasi ang nagma-manage ng career ng misis niyang si Manilyn Reynes.

Anyway, mas ang GMAAC naman daw ang nagpapatakbo ng career ni Yasmien.

“Pero siyempre, si Yasmien na lang ang nag-aabot sa akin dahil consultant pa rin naman niya ako. Saka ako rin naman ang nag-advice na ang GMA Artist Center at mister na lang niya ang ma­ging official manager niya, ‘noh?!

“Alam mo naman kasi si Yasmien, maraming mga tanong-tanong ‘yan, kaya para hindi ako maturete, ipinasa ko na siya sa iba. Hahaha!” natatawang sey ni Manay Lolit kahapon.

Naku, for sure, kung si Manay Lolit pa rin ang pinaka-manager ni Yasmien, baka hindi niya pinayagan ang bida ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na gawin ‘yung eksenang nasa ledge ito ng Jones Bridge para sa suicide attempt sa isang eksena sa afternoon series na ‘yon, huh!

“Mabuti na nga lang kasi kung nalaglag talaga si Yasmien sa eksenang ‘yon dahil ayaw nga niyang magpa-double, ‘di ako na naman ang hindi mapakali. Hahaha!” natatawang sabi na lang ni Manay Lolit.

Anyway, ngayon ipapalabas sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang eksenang ‘yon ni Yasmien na akala yata ay isa siyang stuntwoman dahil ayaw niyang magpa-double, huh!

Sam parang bahay ang bagong van

May bagong customized-big van si Sam Milby at nalaman namin ‘yon sa kaibigan niyang si Say Alonzo na isa sa mga nakasama niyang mag-dinner the other night.

Kasama rin nila roon si Ara Mina at ilang mga kaibigan.

After nga ng dinner, aba, talagang inusisa ng mga kaibigan ni Sam ang kanyang bagong sasakyan na obviously ay ginagamit niya sa kanyang mga shooting at tapings.

Ang laki at may mala-bed pa, kaya tiyak na mare-relax siya kapag papunta at galing sa trabaho.

Nag-joyride pa nga si Sam at ang kanyang mga barkada sabago niyang sasakyan at enjoy silang lahat, huh!

Pinost ni Say sa Instagram ang video ng bagong sasakyan ni Sam kaya nakita rin namin ang ganda ng sasakyan na ‘yon.                   

Ara takot na uling awayin ni Cristine

Kung isa nga pala si Ara sa mga barkada ni Sam na nang-usisa sa bagong sasakyan ng aktor, ang married life naman ng sister niyang si Cristine Reyes ay hindi inuusisa ng isa sa cast ng Araw Gabi, ang bagong afternoon series ng ABS-CBN.

Nang tanungin namin si Ara after ng presscon ng Araw Gabi tungkol sa tsikang may pinagdadaanan ang pagsasama nina Cristine at Ali Khatibi ay wala naman daw siyang alam doon.

Mukhang okey naman daw si Cristine at wala naman daw itong sinasabing problema sa kanya.

Sabi pa ni Ara, after daw ng naging away nila noon ni Cristine, ayaw niyang maulit ‘yon, kaya never siyang nagtatanong ng kung anu-ano sa kapatid.

Noon naman daw yayain siyang kumain ni Cristine ay napansin niyang okey ito.

Saka magsasabi naman daw siguro sa kanya si Cristine kung may problema nga ito sa married life, so, ayaw niyang magkomento tungkol doon dahil bukod sa wala siyang napapansin ay wala rin namang sinasabi sa kanya si Cristine.

Well…

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with