JM
JM at Barbie, hinuhulaang manggigiba ng kalaban!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 25, 2018 - 12:00am

Inaasahang ang bagong afternoon drama sa ABS-CBN, ang Araw Gabi ang  panibagong gigiba ng ratings tuwing hapon. Napakalaki ng cast ng nasabing drama. Bukod sa nagbabalik si JM de Guzman, na noon pa man ay kinikilala nang isang mahusay na actor at ang partner niyang si Barbie Imperial, naroroon din sina Rita Avila, Ara Mina at Vina Morales. Ang tatlong iyan ay mga leading ladies din on their own. Isipin ninyo ang ganyan kalaking cast.

Pero ang isa pang nakatawag ng aming pansin ay ang musika ng teleserye. Ang ginamit nilang theme song ay ‘yung Araw-araw, Gabi-gabi na ginawa ni Willy Cruz para sa isang pelikula noong araw. Originally, ang kumanta ng theme song na iyon ay si Didith Reyes, na talagang para lang sa naturang pelikula. Tapos naisipang ilabas ng Vicor Music na naging isa ring napakalaking hit. Ngayon nga ang kantang iyan ay itinuturing na ring isang klasikong awiting Pilipino.

Pero nang gamitin nila riyan sa Araw Gabi, binigyan ng bagong arrangement ang kanta at ang kumanta ay si Vina. In fairness napakaganda ng rendition ni Vina. Sayang nga lang dahil alam naman ninyo sa mga teleserye, ang theme song ay karaniwang sa simula lamang, dahil iyong kuwento naman talaga ang binibigyan nila ng focus.

Noong hapong iyon, nakakuwentuhan din naman namin si Vina at marami siyang kuwento tungkol sa kanyang buhay. Hanggang sa nagbiro nga ang aming kasamahang si Jerry Olea, na “iyong buhay mo pala ang dapat na ginagawang teleserye”. Nakangiti namang sumagot si Vina na “mas maganda naman ang kuwento ng Araw Gabi.” Nang mabasa namin ang kuwento ng serye, palagay namin sisipa iyan sa ratings.

Bukod sa magagaling ang artista, maganda talaga ang kuwento eh. Kung kami nga ang tatanungin, ang ganyang klaseng drama, dapat iyan ang inilalaban nila sa primetime. Kaya nga lang mahirap galawin ang primetime nila ngayon dahil matindi naman lahat ng ratings.

Squadgoals hinihintay kung matatapatan ang Bagets

Palagay namin, hindi naman masasabing malalampasan ng pelikulang Squadgoals ang naging box office record noong Bagets, kasi talaga namang phenomenal ang pelikulang iyon. Sa record, ang Bagets ang highest grossing youth oriented film of all time, at nakita naman ninyo noong panahong iyon pati ang damit na suot nila, ginagaya ng mga teenager. Ang musika ng pelikulang iyon, tinutugtog sa mga disco ay may naging classics talaga, pati na ang theme song nilang Growing Up.

Sa nakikita namin, mahirap pantayan o malampasan ang record na iyon, pero ang nakikita namin sa Squadgoals, may mga bagong matinee idols na aangat. Pinag-uusapan nga na mukhang malakas ang dating ni anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Vitto Marquez, kasi naman may exposure na siya talaga sa telebisyon. Pero ang tingin naman namin, mag-develop lang nang husto, ang lalabas na standout pagkatapos ng pelikulang iyan ay si Dan Hushcka.

Ang mukha ni Dan ang maaari mong ihanay kina Daniel Padilla, James Reid at iba pang mga sikat na matinee idols sa ngayon.

Huwag naman ninyong asahan na sisibat agad ang kanyang career kagaya ng nangyari kay Aga Muhlach noong Bagets. Iba rin naman kasi talaga ang dating ni Aga noon sa publiko. Pero iyang si Dan ang may personality na pinaka malapit sa mga sumikat sa mga matinee idols.

JM DE GUZMAN
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with