^

Pang Movies

Ibang-iba kay Kris, Maricel ayaw pumatol sa mga ‘di kakilala

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ibang-iba kay Kris, Maricel ayaw pumatol sa mga �di kakilala
Eric Quizon at Maricel Soriano

Isa ang Diamond star na si Maricel Soriano sa mga artistang tahimik ang buhay at hindi naglaladlad ng problema sa social media.

Ang rason, ayaw niyang makipag-away sa hindi kakilala kaya wala siyang kahit anong social media account. Hindi siya ‘yung tipo ng artista na pati yata pag-utot gustong i-post para pag-usapan.

Hindi siya ka-level ng majority sa ating local stars na ang social media ang career.

Kasama sa mga suki ng bashers si Kris Aquino na pinag-uusapan ngayon ang mga emote kay James Yap na nadamay si Korina Sanchez.

 “Tumagal naman ako nang ganito without social media. I believe ang mga artista dapat may privacy, dapat nirerespeto at minamahal, gaya nina Tita Susan Roces and Tita Gloria Romero who have maintained their dignity all these years. Bakit ako magpe-Facebook or Twitter, tapos iba-bash lang ako? Mahirap makipag-away sa hindi mo kakilala at ‘di mo nakikita, wala kang kalaban-laban walang mawawala sa kanila. Sa edad kong ito, babastusin lang ako? Huwag na,” sabi ng aktres kahapon sa intimate tsikahan sa ginanap sa Novetel para sa promo ng pelikulang My 2 Mommies starring Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff, directed by Eric Quizon.

So anong masasabi niya sa mga suki ng bashers?

“Magdusa kayo, ginusto n’yo yan. Puwede namang wala ‘yan. E, di mag-ano ka, sign off.

 “Kaya mas lalo pang ayaw ko nang mag-social media. “Gusto mo pa ba yun (bashers), sa edad kong ito? Ayoko.

“Ang importante sa akin, ‘yung respeto. Ayoko ng binabastos ako nang ganoon.

“Saka ‘yung sasabihin ko, ita-type ko pa. Mapapagod pa ako.

“Kasi, sa social media, you lose all your mystery. Mas maganda yung behave na lang, huwag nang magmaldita lalo’t may edad na tayo,” mensahe pa niya na may tatak Taray Queen.

Magiging full blast ang pagbalik ni Marya sa showbiz.

vuukle comment

ERIC QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with