^

Pang Movies

Ara at Mayor Patrick, hindi na raw nagtitikiman!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ara at Mayor Patrick, hindi na raw nagtitikiman!
Ara Mina

Ayon kay Ara Mina, hindi naman ser­yoso ‘yung isyung aanakan uli siya ng ex-boyfriend niyang si Mayor Patrick Meneses na tatay ng anak niyang si Amanda Gabrielle.

Biruan lang naman daw ‘yon dahil sa nga­yon, wala naman silang romantic involvement.

Mali raw ang akala ng iba na nagkabalikan sila.

May mga ganoon lang daw na nasasabi na kung gusto niyang sundan na ang panganay niya at wala siyang boyfriend ay much better naman na si Patrick na lang uli ang maging tatay.

Nabanggit nga rin pala ni Ara na noong sila pa ni Patrick, ito ang nakatikim ng pastries and cakes na bine-bake niya, pero ‘yung may mga ‘tikiman’ uli sa pagitan nilang dalawa ngayon ay imposible naman.

Pero masaya naman siya na friends sila ng tatay ng kanyang anak.

Kung type naman daw ni Patrick na maging sila uli ay kailangan daw mag-effort ng kanyang ex para maging romantic uli silang dalawa.

Kasama nga pala si Ara sa newest afternoon series ng ABS-CBN, ang Araw Gabi nina JM de Guzman at Barbie Imperial under the group of Direk Ruel S. Bayani (RSB unit) na magsisimula na sa April 30.

Vina ayaw ng batang karelasyon

Sa presscon pa rin ng Araw Gabi, nausisa naman si Vina Morales tungkol sa kapatid niyang si Shaina Magdayao.

May nagtanong kay Vina kung naniniwala ba siyang may relasyon talaga ang ka­patid niya kay Piolo Pascual?

Sabi ni Vina, wala siyang alam dahil hindi rin naman niya tinatanong si Shaina tungkol doon.

Pero kung talagang may relasyon daw ang dalawa ay matatanggap niya.

In fairness to Vina, hindi siya mahi­lig makialam sa private affairs ng kanyang siblings at kung ano lang ang sinasabi sa kanya ay ‘yon lang ang pinaniniwalaan.

Sabi nga pala ni Vina, mabait naman daw si Piolo!

Samantala, si Victor Silayan ang kapareha ni Vina sa Araw Gabi, kaya nausisa rin siya kung okey lang sa kanya na magkaroon ng relasyon sa mga mas bata sa kanya?

Nag-isip si Vina at natawa na lang, pero sinabing ayaw naman niya na sa sobrang bata sa kanya.

Paano kung si JM na kasama niya sa Araw Gabi?

“Hahaha. Hindi ko ma-imagine. Parang ang bata naman,” sabi ni Vina.

Paano kung si Iñigo?

“Sino’ng Iñigo?” balik-tanong ni Vina.

“Si Iñigo Pascual!” sagot ng entertainment press na kaharap niya.

“Grabe naman, ang bata naman no’n! Hindi ko ma-imagine. Hahaha!” natatawang pahayag pa ni Vina.

Samantala, thankful si Vina na may bago na naman siyang series dahil ang tagal na ng huli niyang regular show sa ABS-CBN, ang Born For You nina Janella Salvador at Elmo Magalona na hindi masyadong nagtagal sa ere.                   

Kris gustong sapawan ang JoshLia

Dumugin kaya ng press ang shooting ng I Love You Hater bukas dahil very controversial ang main support ng JoshLia love team na si Kris Aquino?

Kahit nagra-rant daw kasi si Kris ay tuloy na tuloy bukas ang shooting niya para sa pelikula nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Pero siyempre, malamang, ipagbawal ng Star Cinema ang press sa set ng kanilang pelikula, huh!

Dahil nga pala sa pagra-rant ni Kris tungkol sa ex-husband niyang si James Yap at sa Rated K host/producer na si Korina Sanchez ay may ibang mga nagsasabi na hindi masyadong napag-uusapan ang kanyang muling pagagawa ng pelikula sa Star Cinema.

Well…

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with