^

Pang Movies

Matupad kaya? Paolo maging beauty queen ang ultimate dream!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Matupad kaya? Paolo maging beauty queen ang ultimate dream!
Paolo Ballesteros

Guess kung ano ang dream ni Paolo Ballesteros na maging… Well, kung naging babae siya? Ang maging isang beauty queen.

At least, natupad ni Paolo ang other dream niya na maging isang ina dahil sa soon-to-be released movie, ang My 2 Mommies with Solenn Heussaff.

He shares being a ‘mommy’ to eight year-old Marcus Cabais.

How? “Well, panoorin nila ang pelikula,” ani Eric Quezon, who directs My 2 Mommies, which also starred Maricel Soriano and Joem Bascon.

Alfred, na-master na ang pagma-manage ng oras

Bukod sa napakagandang role na ginagampanan ni Congressman Alfred Vargas sa ongoing top series ng GMA 7 na Kambal Karibal, waring nagsisilbing reunion project niya rin ito sa dati niyang kapwa Kapamilya talents na sina Carmina Villaroel at Jean Garcia.

Hindi idi-deny ni Cong. Alfred na dati siyang naging parte ng Star Magic.

Sayang at ‘di namin naitanong kay Cong. Alfred, kung nagkaroon ba siya ng chance na makatrabaho sina Carmina at Jean noong pare-pareho pa silang Kapamilya.

Pero kahit ganun pa man at masaya siyang napapanood na ulit sa small screen, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang duties at responsibilities bilang Congressman of the fifth district ng Quezon City.

Two years ng nagsisilbing Congressman ng kanilang distrito si Cong. Alfred at hindi rin niya itinanggi na may balak pa ulit siyang tumakbo for a third term at naghahanda na siya para dito. In fact, kino-consider niya na ang sarili bilang master of time management, na nakakayang mabalanse ang family, public ser­vice, acting, business and, well, studies.

Kasalukuyan daw na kumukuha si Cong. Alfred ng Masters in Public Administration in UP Diliman National College of Public Administration Government, parehong kurso na kinuha ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto bago siya sumabak sa politics ng full-time.

Tinitingala ni Cong. Alfred si Cong Vi at itinuturing bilang idol niya.

Nagsimula si Ate Vi bilang Mayor ng Lipa City for three terms. Three terms din siyang nagsilbing Governor ng Batangas, bago tumakbong Representative ng Lipa.

Ngayon, may dalawang anak si Ate Vi, sina Luis at Ryan Christian, at kasal kay Senator Ralph Recto.

Si Cong. Alfred naman ay sa kanyang supportive wife, Yasmine, at may dalawa silang lovely daughters. Occasionally, active pa rin si Ate Vi sa showbiz.

Skills 2d max sa Payatas uumpisahan

Nakipag-meet sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kasama si beauty salon magnate Ricky Reyes sa mga members ng entertainment media, kasama sina accomplished Secretary Gene Mamondiong ng Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) at si Ginoong Marcelino P. Escalada, Jr., of the National Housing Authority (NHA),  na karamihan sa dumalo ay mga kaibigan niya for more than two decades.

Sa instructions daw kasi ni President Roa-Duterte, nag­desisyon ang dalawang department head na magsanib pwersa para lalong maging effective ang desire ng Duterte government to uplift the lives, lalo’t ng mga under privileged na mga Pilipino.

Si Secretary Mamondiong ang usap-usapang magla-launch ng Skills 2D Max Angking Galing Mobile Livelihood Caravan kung saan ang target nila ay 4,200 beneficiaries, na manggagaling sa marginalized sector na nagkataon namang mga residente ng iba’t ibang relocation sites ng National Housing Authority.

Lahat ng beneficiaries ay bibigyan ng training ng different modules ng hairdressing and beauty care at iba pang livelihood components.

Bibigyan lahat ng participants ng individual starter kit at habang nagte-training sila, magkakaroon sila ng allowance of P100 per day.

Tuturuan din sila kung paano magi-start ng small business after their training.

The grand launch will be on May 8, 2018 at Smokey Mountain.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with