^

Pang Movies

Kris naniningil ng utang na loob!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kris naniningil ng utang na loob!
Kris

Nakakatakot hingan ng tulong, Korina nabiktima dahil kay James

Maaaring may mga nagawa si Korina Sanchez bilang isang broadcaster na minsan ay napansin din naming. Kagaya nung kanyang pamimigay ng tsinelas na may pangalan pa ng kanyang TV show sa isang disaster noon, pero ngayon ay maliwanag naming sinasabi na walang masamang content na ipinakita si Korina o sa show ni Korina laban kanino man na masasabing dahilan para siya dikdikin sa social media.

Hinanap talaga namin ang particular video ng show na iyon ni Korina. Ang kanyang feature ay ang mga anak ng mga kilalang celebrities. May ilang mga celebrity couples na kanyang na-interview tungkol sa kanilang mga anak. Isa sa mga featured couples ay sina James Yap at Michela Cazzola.

Nagkuwento si James kung papaano nila pinaghandaan ang pagsilang noon ng kanilang anak na si MJ. Nagkuwento rin si Michela kung gaano naman ang kanyang katuwaan sa kanyang anak, at sa  kanilang pamilya, at kung papaanong iyon ay katuparan ng kanyang pangarap na maging isang ina.

Nagkuwento rin sila pareho tungkol sa pagdating naman ng kanilang second baby.

Normal na normal lamang ang kanilang mga sagot sa mga tanong sa kanila. Natural lang naman sa mga magulang na maging masaya sa pagkukuwento tungkol sa kanilang anak. Wala kaming nakitang masama sa palabas. Wala rin silang sinabing masama. O nabanggit man lang na masama laban kanino man. Malinis iyon.

Kaya nga takang-taka rin naman kami kung ano ang sinasabi ni Kris Aquino na hindi magandang ginawa sa kanya ni Korina nang i-feature pa si James Yap, si Michela at ang anak nila.

Una, hindi masasabing sinadya ni Korina na ilabas iyon matapos ang pagtungayaw ni Kris kay James dahil sa pagbating ginawa noon sa birthday ng kanyang anak. Alam naman na­ting lahat na ang mga show kagaya niyang Balitang K, matagal ang preparation niyan, baka nga isang buwan pa, planado na ang content ng show.

Maliwanag din naman ang content ng show, happy couples na may happy children. Hindi rin naman masasabing singled out sina James at Michela para sabihing iyon ay patama kay Kris. In fairness, ni hindi ipinakita na si Korina mismo ang nag-iinterview sa feature na iyon nina James at Michela. Nangyayari iyan na isang segment producer ang nagbuo at nag-edit. Basta buo na isusulat ang script at iyon at babasahin naman ng presenter na kagaya ni Korina.

Hindi iyan isang talk show na kagaya noong kay Boy Abunda na maaaring magbigay ng isang leading question o magparinig sa iba. Feature program ang Balitang K.

Hindi talaga namin mawari kung ano ba ang ipinagtutungayaw ni Kris dahil sa feature na iyon. Ibig bang sabihin ay dahil nagkampanya siya para sa asawa ni Korina nang walang bayad kailangang lahat ng ilalabas ni Korina sa kanyang show ay aprubado ni Kris? Aba iyan ay maliwanag na pagharang sa press freedom. Lumalabas din na pag may ginawa siyang para sa isang tao ay mababaon na sa utang na loob sa kanya at ganun ang nangyari kay Mar na kanyang sinisingil ngayon. Iyon palang kampanya niya ay hindi dahil sa bayan.

Aba, kung ganyan ang kalakaran, iyong mga pulitiko pala ay matatakot na kung iendorso sila ni Kris dahil mababaon sila sa utang na loob sa kanya, at wala silang maaaring gawin na laban sa kanyang kagustuhan. Kung hindi gagamitin niya ang social media at lalaitin sila.

Pati pagiging nanay ni Korina questioned. Sa lahat ng ginawa ni Kris Aquino, iyang pagtungayaw niya kay Korina Sanchez ang pinaka walang kuwenta.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with