^

Pang Movies

Yeng hindi pabebe ang bagong kanta!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Yeng hindi pabebe ang bagong kanta!
Yeng

Hindi nagpabaya ang mga Forever Yengsters fans ni Yeng Constantino sa kanyang new single na Ako Muna na as of this writing ay umabot na sa 1 million views ang music video sa YouTube.

Ang single na Ako Muna ay mula sa la­test album ni Yeng na Synesthesia na walang tapon ang lahat ng laman ng mga kanta.

Walang kupas si Yeng na mahusay na artist mula sa transition, lyrics, music, tunog, drama, at anggulo ng kamera sa music video ng kanyang kanta. Panalo ito sa ga­ling ng singer at idinirek naman ni Miguel Alomajan.

Ang kanta ay patunay na hindi kailangang la­ging pabebe, pampakilig, o love songs ang tema kung nais nilang i-express ang kanilang self-worth.

Ang Ako Muna ay patungkol sa mga single na may magandang message na unahin muna ang pagmamahal sa sarili.

Perfect sa millennials ang mensahe nitona hindi dapat magmada­ling pumasok sa isang relasyon.

 Bet ng mga fans na gawing theme song ng K-drama ang bagong single na Ako Muna ni Yeng na hugot at tagos sa puso.

vuukle comment

YENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with